Advertisers

Advertisers

TAO, MAMAMAYAN ANG AMING IPINAGLALABAN: YORME ISKO

0 229

Advertisers

HINDI pa pwedeng maging batayan ang resulta ng nakaraang mga political survey para malaman ang tunay na damdamin at naisin ng taumbayan tungkol sa darating na eleksiyon sa Mayo 2022.

“Toxic ang environment na nagkalat ang mga pink trolls kaya maraming hindi sumasagot ng tama sa surveys. Ang daming bashing na ginagawa ang iba-ibang sides, kaya ito ay nagbibigay ng takot sa maraming tao,” sabi ni Lito Banayo, chief campaign strategist ng Aksyon Demokratiko.

Sa paliwanag ni Banayo, snapshots ang survey na lumabas nitong nakaraang Pebrero at Marso at hindi rumerehistro sa pulso ng taumbayan ang isyu ng utang na P203 billion estate tax ng pamilya ni dating Sen. Bongbong Marcos.



“How it impacts on his number, we still do not know in this point in time,” sabi ni Banayo.

Kinontra rin ni Banayo ang ‘unity’ na inilalawit ng kampo ni VP Leni Robredo.

“Ang pinag-uusapan dito, kung itutuloy natin ito, ay magkaisa tayo para sa isang tao. Hindi naman yan tama. Ang ipinaglalaban nga namin yung mamamayan, hindi isang tao o isang faction,” sabi ni Banayo.

Walang mangyayari sa panukalang ‘pagkakaisa’ ng tropa ni Robredo, sabi ni Banayo, at ang Aksyon ay patuloy na ipepresenta sa taumbayan na si Yorme Isko ang tanging kandidato na may kakayahan, katangian, kredibilidad at karanasan para ibotong pangulo ng milyon-milyong botante.

Sa usaping ‘unity’ ni Robredo, sinabi ni Aksyon presidential aspirant Yorme Isko na personal na ambisyon iyon na pumapabor lamang sa katunggaling kandidato sa panguluhan.



Sa ambush interview ng media kay Yorme Isko kasama ang kanyang VP bet na si Doc Willie Ong at mga senador na sina Dr. Carl Balita, John Castriciones, Jopet Sison at Samira Gutoc nitong Miyerkoles, Abril 6 matapos ang one-on-one interbyu sa kanya ni Mr. Kenneth Bustamante ng RMN news Pagadian sa Zamboanga del Sur ay inulit nito na patuloy silang manunuyo at lalapit sa mga tao upang ilatag ang kanilang programa na para sa kapakinabangan ng ordinaryong mamamayang Pilipino.

“Tao, ang maliliit, mahihina nating kababayan ang ipinaglalaban namin, hindi ang interes lamang ng iisang tao. Ipinaglalaban namin ang karapatan ng karaniwang si mamamayang Juan, si mamamayang Maria, ang kanilang kinabukasan, ang ginhawang dapat makamtan ng mamamayang Pilipino,” sabi ni Yorme Isko. (BP)