Advertisers

Advertisers

77-M katao target mabakunahan ng DOH sa katapusan ng Hunyo

0 267

Advertisers

PUNTIRYA ng gobyerno ng Pilipinas, sa kanilang COVID-19 vaccination program na mabakunahan ang humigit-kumulang 77 milyong indibidwal o 85% ng target na karapat-dapat na populasyon sa katapusan ng Hunyo.

Sinabi ni DOH Undersecretary and spokesperson Maria Rosario Vergeire na target na mabakunahan ng Department of Health ang 77 million individuals sa katapusan ng buwan ng Hunyo.

Ito ay 85% ng kanilang target na eligible population na 90 milyon.



Iniulat din ni Vergeire na 7,407 indibidwal ang nakakuha ng kanilang COVID-19 jabs sa mga vaccination sites malapit sa polling precinct noong Mayo 9, Araw ng Halalan.

Kasalukuyang nagsasagawa ng espesyal na araw ng pagbabakuna ang Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) dahil sa mababang pagbabakuna nito.

Tinutulungan din ng DOH ang Quezon sa Region 4-A, gayundin ang Regions 4-B, 5, 7, at 12 para mapataas ang antas ng pagbabakuna sa mga nasabing lugar.