Advertisers
Ang vanguard sa Tagalog ay pangunahing hanay sa hukbo o isang nangunguna sa bagong konsepto o teknik sa isang field.
Yan mismo si Ariel Vanguardia, ang coach ng Blackwater sa PBA. Mula sa cellar-dweller sa liga ay nabago ng taga-Calamba ang imahe ng koponan ni G. Dioceldo Sy. Siya ang nanguna sa big change at pag-charge sa laban.
Sa kakabukas na season ay napada na nila ang TNT at muntik pang ma-upset ang Barangay Ginebra noong Linggo.
Naitanim na ni mentor ng Bossing ang winning attitude sa mga bata niya na mixture ng mga baguhan, discard at ilang datihan.
Bakas mo na sa laro nila ang mental toughness na kailangan para magtagumpay sa liga.
Eka ng ni Tim Cone ay malayo mararating ng prangkisa sa taong ito. Pinahirapan daw sila nang husto. Masuwerte lang daw sila na na-shoot ni Japeth Aguilar ang go-ahead basket under one minute to go at nag-error si Baser Amer ng dalawang beses.
“Maaga kami nag-ensayo para sa conference na ito at kinausap ko lahat na todo-bigay kami kahit praktis pa lang,” kwento sa atin ng champion coach sa ABL taong 2015.
***
Ang NBA championship na umabot sa Game 6 ay puro 10 points or more ang kalamangan ng nagwawaging koponan.
Paano umuulan ng tres sa serye na pinagbidahan ng three-point king na si Steph Curry ng Golden State na siya ring tinanghal na Finals MVP.
Siyempre katuwang niya ang Splash Brother niyang si Klay Thompson na kakarecover lang sa matinding injury. Nandiyan din si Andrew Wiggins na malaki pinatunayan sa sagupaang ito. Lumitaw din ang husay mula sa rainbow territory ni Jordan Poole. Pati nga ang berenanong defense specialist na si Draymond Green marami-rami ring naibuslo mula sa malayo.
Sa panig naman ng Boston ay nagpakita sina Jayson Tatum. Jaylen Brown, Marcus Smart at pati ang bigman na si Al Horford.
Sa mga panalo ng Celtics ay gumawa rin sina Derrick White at Payton Pritchard kaso absent ang shooting nila sa huling laban.
***
Nasubukan natin noong Huwebes ng gabi ang resto ni Richard Yee na SarapSamgyup. Tunay ngang malinamnam ang mga pagkain sa Korean BBQ eatery na nasa Dian corner Faraday, Barangay San Isidro, Makati.
Ang negosyo ng dating Purefoods cager ay nito lang Abril nagbukas pero marami na silang suki.
Paano naman ay bukod sa masasarap na ang pork, beef, chicken, seafoods at side dishes ay may kasama pang drinks ang package nila na unlimited. Pag-upo mo pa lang at may ihahain na kaagad na lemon juice tapos bibigyan ka din ng black russian vodka. Enjoy talaga kami ng mga kasama ko.
Maasikaso at mababait ang staff ng negosyo ng produkto ng USTe sports program.
Sa ikalawang palapag ng venture ng tubong-Antique na player ay may mga videoke room na perfect na pampamilya at pangbarkada. Pwede rin sa mga business presentation sa kliyente.
Bukas na Father’s Day ay may special promo pa sila. Tara subukan ninyo rin.