Advertisers

Advertisers

5 lugar sa VisMin may red tide

0 161

Advertisers

LIMANG coastal areas sa apat na lalawigan sa Mindanao ang nagpositibo sa red tide kaya pinagbawalan muna ang publiko na kumain ng shellfish mula sa mga nasabing lugar.

Sa abiso ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR), kabilang sa nakitaan ng red tide ang Dumanquillas Bay sa Zamboanga del Sur at Lianga Bay sa Surigao del Sur.

Ipinaliwanag ng BFAR, lumabas sa kanilang laboratory test na positibo sa Paralytic Shellfish Poison (PSP) o toxic red tide ang mga samples ng shellfish na kinuha sa dalawang lugar.



Nakitaan din ng red tide ang coastal waters ng Dauis at Tagbilaran City Bohol at Matarinao Bay sa Eastern Samar.