Advertisers
HINDI dumalo nitong Miyerkoles sa preliminary investigation ng Lapid-Villamor murder case si suspended Bureau of Corrections (BuCor) Chief Gerald Bantag.
Ito ay matapos na kwestyunin ng kampo ni Bantag ang maling subpoena na kanilang natanggap. Mali ang middle name ng opisyal.
Lumalabas na ‘Soriano’ ang nakalagay na middlename sa halip na ‘Quitalig’.
Dahil sa maling pangalan, lalabas na magkaibang indibidwal ang pinadalhan ng subpoena at hindi ito para kay Bantag.
Ayon kay Atty. Rocky Balisong, hindi na nagpunta ang kanyang kliyente dahil ininuturing nila na wala silang subpoena na natanggap. Sa halip, nagtungo lang siya sa DoJ upang ihain ang kanyang obserbasyon.
Nitong Miyerkoles ay pina-receive narin kay Atty. Balisong ang tamang subpoena.
Sinabi ni Atty. Balisong na posibleng hindi personal na dumalo si Bantag sa Disyembre 5, 2022 at sa pamamagitan nalang ng video conference.
Si Bantag ang itinurong mastermind sa pagpatay sa brodkaster na si Percy Lapid at sa middleman na si Jun Villamor.