Advertisers

Advertisers

Mag-lover na boylet nag-away, patay!

0 207

Advertisers

NASAWI ang dalawang lalaki na may anim na taon na umanong magkarelasyon nang mauwi sa pamamaril ang kaanilang mainitang pagtatalo sa Quezon City.

Kinilala ang mga biktima na sina Ron Pabalinas, 29 aanyos, supervisor ng isang kilalang tindahan ng mga sports apparel at residente ng Barangay Gulod, Novaliches, Quezon City; at Mark Dela Cruz, 30, assistant area manager ng tindahan ng mga foot wear at residente ng Capitol Park Homes 2, Caloocan City.

Ayon sa report ng Quezon City Police District (QCPD)-Criminal Investigation and Detection Unit ng Quezon City Police District (CIDU), 11:40 ng gabi nang maganap ang insidente sa silid ni Pabalinas.



Sa inisyal na imbestigasyon ni PSSgt. Angel Pascasio III, lumilitaw na bago naganap ang krimen ay nasa kusina ang kapatid ni Pabalinas na si Lalaine, at naririnig niyang nagtatalo ang kapatid at si Dela Cruz sa loob ng silid nito.

Nagulat na lamang si Lalaine nang makalipas ang ilang minuto ay makarinig ito ng magkasunod na putok ng baril kaya’t kaagad na tinungo ang silid ng kapatid. Dinatnan niya ang mga biktima na kapwa duguang nakahandusay, habang hawak pa ni Dela Cruz sa kanyang kanang kamay ang isang .38 caliber revolver na pinaniniwalaang ginamit sa insidente.

Kaagad nagpasaklolo si Lalaine sa kaniyang mister at naisugod ang mga biktima sa Novaliches District Hospital ngunit dead on arrival si Dela Cruz.

Nailipat si Pabalinas sa East Avenue Medical Center, subali’t binawian din ito ng buhay habang nilalapatan ng lunas.

Nakasamsam ang SOCO Team ng tatlong basyo ng bala mula sa crime scene.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">