Advertisers

Advertisers

๐๐š๐ ๐ฅ๐š๐ฅ๐š๐ ๐š๐ฒ ๐ง๐  ๐›๐š๐ซ๐ซ๐ข๐ž๐ซ๐ฌ ๐ฌ๐š ๐ฆ๐จ๐ญ๐จ๐ซ-๐š๐ง๐ ๐ค๐š๐ฌ ๐ž๐ฑ๐ญ๐ž๐ง๐๐ž๐ ๐ฌ๐š ๐‡๐ฎ๐ฅ๐ฒ๐จ ๐Ÿ‘๐Ÿ

0 567

Advertisers

Muling pinalawig ang deadline para sa paglalagay ng barriers sa motorsiklo-angkas hanggang Hulyo 31.

Ito ang inihayag sa isang panayam kay Joint Task Force COVID Shield Commander Police Liutenant General Guillermo Eleazar.

Bunsod na rin sa pakiusap ng mga may-ari ng mga motorsiklo na bigyan pa sila ng mas mahabang panahon para makasunod sa pangunahing requirement para sa back-riding.



Sinabi pa ni Eleazar na inabisuhan na nila ang mga motorcycle dealer sa buong bansa kung saan makakabili ang riders ng aprubadong barrier design.

Nakipagtulungan na rin ang pulisya sa Department of Trade and Industry( DTI) upang tiyaking hindi mabibili ang mga substandard barrier sa merkado.

Matatandaanna pinayagan ng pamahalaan ang back-riding noong Hulyo 10 sa kondisyong magkaroon ng harang sa pagitan ng driver at angkas nito na kanyang asawa o live-in partner. (๐‘ฑ๐’๐’”๐’†๐’‘๐’‰๐’Š๐’๐’† ๐‘ท๐’‚๐’•๐’“๐’Š๐’„๐’Š๐’)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">