Advertisers

Advertisers

ANG SUSUNOD NA PNP CHIEF!

0 36,098

Advertisers

Nitong nakaraang Linggo ay nagsumite na ng mga pangalan ng 4 GENERALS si DEPARTMENT OF THE INTERIOR AND LOCAL GOVERNMENT (DILG) SECRETARY BENJAMIN “BENHUR” ABALOS JR kay PRESIDENT FERDINAND “BONGBONG” MARCOS JR., na pagpipilian nang hahalili sa puwesto ni POLICE GENERAL BENJAMIN ACORDA JR bilang pinuno ng PHILIPPINE NATIONAL POLICE (PNP).

Pina-extend ni PRES. BONGBONG MARCOS hanggang MARCH 31, 2024 ang pagiging C, PNP ni Acorda… kaya’t bago magtapos ang buwang ito, ay siguradong may mapipili na sa apat na rekomendadong heneral bilang pinuno ng PNP.

Kung tama ang bulong ng ARYA BEES.., ang apat ay ang mga magka-klaseng GENERALS ng PMA CLASS ’92 na sina MAJOR GEN RONALD LEE na kasalukuyang DIRECTORATE FOR OPERATIONS CHIEF; MAJOR GENERAL MARIO REYES ng DIRECTORATE FOR LOGISTICS; BRIGIDAIRE GENERAL MATTHEW BACCAY, DEPUTY DIRECTOR ng DIRECTORATE FOR PERSONNEL AND RECORDS MANAGEMENT; at si NATIONAL CAPITAL REGION POLICE OFFICE (NCRPO) DIRECTOR POLICE MAJOR GENERAL JOSE MELENCIO “TATENG” CORPUZ NARTATEZ JR.



Para kay DILG SEC. ABALOS JR, ang pangunahing batayan na mga katangian ng magiging bagong PNP CHIEF ay ang pagbibigay halaga sa paglutas sa illegal drug problem, gayundin ang cybercrime problem, at ang index crime na bagama’t napababa na ay kailangan pa rin na patuloy na mapalakas ang kampanya.

Puwes, kung ito lang ang pangunahing batayan sa pagpili ng bagong PNP CHIEF.., sa palagay ko’y may naka-uungos na sa 4 na GENERALS , kahit na may kanya-kanya na silang galing na ipinakita sa serbisyo.., at sa palagay ko lang naman, base sa sobra-sobrang kontribusyon nito sa mga batayan na inilatag ni DILG SEC. ABALOS!

Ang tinutukoy ko rito ay ang ng NCRPO sa ilalim ng kasalukuyang pamumuno ni MAJ GEN “TATENG” NARTATEZ — at ang naging batayan ko rito ay ang YEAR END REPORT (NCRPO AUDIO VIDEO PRESENTATION fILE) ng nasabing tanggapan.

Isa-isahin natin ang laman ng video.., malinaw na hindi lamang mga sibilyan na lulong sa ilegal na paggamit ng droga ang binira ng NCRPO bagkus ay nilinis din nito ang hanay ng kanilang POLICE PERSONNEL sa pamamagitan ng DRUG TESTS sa 21,908 miyembro nito. Resulta ay 20 agad ang nag-positibo sa illegal drugs. Ang mga ito ay isinalang sa PRE-CHARGE at SUMMARY HEARINGS bilang pagpapanatili sa hanay ng NCRPO sa pagiging DRUG FREE at ACCOUNTABLE FORCE.

Simula nang maitalaga si MAJ. GEN. NARTATEZ JR bilang NCRPO DIRECTOR noong June 2023 ay ipinaiiral nito ang RENAISSANCE AND LAW ENFORCEMENT alinsunod sa STRATEGIC 7-ACTION PLAN ni PNP CHIEF ACORDA…pinaigting ang EFFICIENCY AND INTEGRITY laban sa mga UNETHICAL BEHAVIOR na mayroong kabuuang 1001 PERSONNEL ang naharap sa PENALTIES dahil sa mga katiwalian. Kabilang dito ang 356 DISMISSALS, 33 DEMOTIONS, 299 SUSPENSIONS, 63 FORFEITURES at 249 REPRIMANDS na ito ay pagpapakita ng ZERO TOLERANCE POLICY TOWARDS CORRUPTION AND WRONGDOING sa liderato ni NARTATEZ.



Ang NCRPO ay nakapagsagawa ng 477 TRAININGS na may 28,857 PERSONNEL ang napaghusay ang kanilang kakayahan bilang pagtitiyak na ang lahat ay magtataglay ng latest knowledge and skills para sa pagsagupa sa mga hamon ng MODERN LAW ENFORCEMENT.

Sa larangan ng INFRASTRUCTURE at LOGISTICS ay nagawa ng NCRPO ang JUDICIOUS INVESTMENTS na nakabuo ng mahigit sa P96 milyon ang NCRPO…ang pondong ito ay ginamit sa mga KEY PROJECTS tulad sa pagpapatayo ng MULTI-PURPOSE BUILDING sa CAMP BAGONG DIWA, TAGUIG CITY

Pinaigting din ang OPLAN BANTAY KALUSUGAN bilang solusyon sa HEALTH CRISIS ng mga PERSONNEL na bahagi ng kampanya para sa PHYSICAL at MENTAL HEALTH…gayundin ay pinaigting ang RISK MANAGEMENT PLAN sa pamamagitan ng CONCERTED EFFORTS na pinangunahan ng REGIONAL DIRECTOR at DISTRICT DIRECTORS.

Ika nga…ang NCRPO ay pinahusay ang kanilang LAW ENFOCEMENT sa pamamagitan ng mataktikang police operations para sa kaligtasan ng publiko.

Naniniwala ako na ang mga naging achievement ng NCRPO sa ilalim ng pamumuno ni NARTATEZ ay isa sa mga katangian bilang lider sa hanay ng mga pulis na pwedeng umasinta sa pagiging PNP CHIEF kapalit ng paparetiro nang si PNP CHIEF ACORDA. ., at ang isa pang nakikita kong bentahe niya ay ang haba pa ng natitirang serbisyo nito bilang opisyal ng PNP – abot pa ng halos 3 taon – na siyang nakatakda sa batas, upang tuluy-tuloy na maisakatuparan ang mga natatanging proyekto ng PNP laban sa kriminalidad.

Naniniwala kasi ako na ang dapat lamang na ma-appoint sa pagiging PNP CHIEF ay yaong makapangangasiwa ng ‘di agad mapuputol ang pagse-serbisyo…gaya ng karaniwan nang nangyayari sa ngayon na kahit na ilang buwan na lamang ay magre-retiro na ay nakaka-hirit pa na maka-puwesto…

Ang ganitong sistema ay tinatawag na “REVOLVING-DOOR POLICY” o ang mabilis na pagpapalitan ng mga opisyal kahit na pa-retiro na ang mga ito…kasi nga naman ay umiiral ang pagbibigay sa mga opisyal na pinagkakautangan ng loob o kaya nama’y rekomendado ng ‘di matatanggihang kaibigan o kumpare.., na kadalasang mga nakatulong sa nakaupong pinuno noong nagdaang eleksyon.

Ang ganitong mabilis na palitan ng mga opisyal ay malaking halaga ang nagagastos sa magkakasunod na pagtatalaga ng mga pa-retirong opisyal sa PNP.., tulad sa gastos sa imprenta ng mga papel na may bagong pangalan at logo ng bagong upong pinuno.., pati na rin mga litrato nito na ipakakalat sa lahat ng opisina para isabit sa mga dingding nito, na hindi naman magtatagal ay mapapalitan din agad.., gayundin ang gastos sa “renovation” ng room, mga office equipment, dekorasyon sa opisina na aayon sa panlasa ng bagong upong opisyal.., ika nga ay nawawaldas ang pondo dahil sa mabilis na pagpapalitan sa pagiging PNP CHIEF!

***

Kung may reaksiyon lalo na sa mga nakakanti ng ating kolum ay maaari po kayong mag-email sa corpuzirwin074@gmail.com o magtext lamang sa 09194496032 para sa inyo pong mga panig.