Advertisers

Advertisers

Atong Ang, Gretchen iniimbestigahan na ng DoJ

0 28

Advertisers

KASAMA na sa iniim-bestigahan ng Department of Justice (DOJ) ang negosyante at gaming tycoon na si Atong Ang kaugnay sa mga kaso ng mga nawawalang sabungero.

Ito ang kinumpirma ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla nitong Huwebes nang pangalanan ng isang alyas Totoy si Atong at aktres na si Gretchen Barretto, na unang tinukoy na isang showbiz personality.

Sinabi ni Remulla na si ayas Totoy ay si Julie Patidogan, chief security ng agency na may hawak sa lahat ng gamefarm ni Atong Ang at ng mga negosyo ng huli.



Pero ayon sa kalihim, pa-tuloy ang kanilang ginagawang case build-up kaugnay dito.

Bukod kina Ang at Barretto, sinabi ni Remulla na aabot sa 20 ang kanilang iniimbestigahan kaugnay sa e-sabong.



Binanggit din ni Totoy ang umano’y founder ng Pitmaster online sabong nila ni Atong si Eric dela Rosa, at isang Salazar.

Si Dela Rosa raw ang nagmo-monitor ng mga sabong kung may nandaraya at iuulat ito kay Atong, tapos



ipakukuha raw sa mga utusang pulis ang suspek, at ipapasa sa ibang grupo para silang mag-imbestiga at tomodas sa mga mandarayang sabungero.

Ang mga nawalang sabungero ay dinukot sa Manila Arena, isang sabungan na matatagpuan sa Sta. Ana, Manila, na pag-aari ni Atong Ang.(Jocelyn Domenden)