Advertisers
NAPAPAILING nalang ako sa mga post ng mga DDS. Kapag tuluyang na-impeach daw si Vice President Sara Duterte, hindi makatakbo sa anumang posisyon sa 2028, isusulong nila si Baste Duterte para pangulo.
Sus! Ginoo! Kung nakita ninyo ang itsura ni Baste nang maging hostile witness sa Impeachment Trial ng kanyang ate Sara nung Mierkoles, napakatanga mo na kapag inihalal mo siya para Pangulo sa 2028!
Bakit? Nakita mo namang puro tattoo ang leeg nito pati mga kamay. Sabi nga ng batikang mamamahayag na si Ramon Tulfo, baka pati itlog ni Baste ay puno ng tattoo. Hehe…
Ang ganitong imahe, na mistulang lulong sa bawal na gamot, ay hindi kagalang-galang para maging lider ng bansa. Pagtatawanan tayo ng ibang mga lahi kapag naghalal tayo ng mukhang sanggano na lider. Mismo!
***
Kung malagpasan man ni VP Sara ang Impeachment Trial, mabasura ang mga kaso laban sa kanya, at mahalal na Pangulo sa 2028, siguradong lalong malalagay sa peligro ang ekonomiya ng Pilipinas. Siguradong mamamayagpag uli ang mga korap na nakapaligid sa mga Duterte. Siguradong babalik ang mga Chinese drug lords, smugglers na mga “bata” noon ng matandang Duterte, si ex-President Digong. At siguradong hindi magkakaroon ng katahimikan ang politika sa bansa.
Oo! Siguradong babalikan ng Duterte ang mga Marcos, pati ang mga kakampink! Puros awayan nalang ito. Puros nakawan nalang sa kaban ng publiko. Mismo!
Kaya para maging maayos na ang politika, maging maayos na ang ating ekonomiya, at yumabong muli ang pakikipagrelasyon ng Pilipinas sa ibang mga bansa, ‘wag nang maghalal ng Duterte o Marcos, maghalal ng lider na may dangal, maginoo, propisyunal, hindi korap, makatao, at may takot sa Diyos.
Tandaan! Ang pagkakaroon ng matuwid na lider ay nakasalalay sa ating mga kamay. Kaya maging responsable na sa pagpili ng mamumuno sa ating bansa. Period!
***
IBINUNYAG ni dating Senador Antonio Trillanes na may pumasok na P319 milyong pondo mula Chinese government sa kompanyang Cale88 ng asawa ni VP Sara na si Atty. Mans Carpio.
Gobyerno rin, aniya, at mga korporasyon sa China ang tanging pinanggalingan ng P150 milyong pondo para sa Tapang at Malasakit Foundation ni Sara.
Say ni Trillanes, may implikasyon ito sa national security at dapat maging dahilan para ma-impeach ang Bise Presidente.
Dahil kapag naging Pangulo pa si Sara sa 2028, tiyak na maghahari uli ang mga abusado at iligalistang Chinese sa Pinas tulad nung Presidente ang ama ni Sara na si Digong. Mismo!
***
May posibilidad pang matuloy ang Barangay at Sagguniang Babataang Election (BSKE) sa Nob. 2, 2026.
Ito’y matapos aksiyunan ng Korte Suprema ang petisyon ni election lawyer Romulo Macalintal tungkol sa pag-reset sa BSKE 2026 tungo sa Nob. 2028.
Subaybayan!