PARCEL SCAM HUB SA PASAY, NI-RAID NG BI-FSU; 17 DAYUHAN, ISANG PINOY, ARESTADO
Advertisers
Sinalakay ng Bureau of Immigration-Fugitive Search Unit (BI-FSU) na pinamumunuan ni Rendel Ryan Sy ang isang hinihinalang parcel scam hub sa Pasay City kung saan inaresto ang 18 katao, na binubuo ng 17 mga dayuhan at isang Pilipino.
Ang operasyon ay isinagawa nitong Biyernes, Nobyembre 20, 2026, kung saan nagtungo ang BI-FSU sa isang bahay na ginawang ‘makeshift scam hub’ sa Park Avenue, Brgy. 79, Pasay City.
Bitbit ng grupo ni Sy ang mission order para sa dalawang Hapon na sangkot umano sa telecom fraud sa Japan, ngunit natuklasan ang iba pang dayuhan na nagsasagawa ng scamming sa loob. Ang dalawang Hapon ay sina Yuto Takahasi at Matsumoto Shohei.
Ani Sy, nagpapanggap umano ang mga suspek na miyembro ng Japanese police gamit ang AI software, pekeng Japanese police station backdrop, uniporme, badge, ID at mga script. upang takutin ang mga biktima kaugnay ng mga pekeng parcel o padala.
Palalabasin umano na may kontrabando ang parcel na inorder ng biktima at ipapakausap ang isang magpapakilalang Japanese officer para makakuha ng pera sa biktima.
Dinala sa tanggapan ng BI-FSU ang mga naaresto at mga nakumpiskang ebidensya para sa imbestigasyon, sa presensya ng mga awtoridad mula sa Japan.
Bukod sa apat na Chinese, dalawang Taiwanese at dalawang Indians ay pawang Hapon ang mga dinakip na suspek sa koordinasyong ginawa sa National Police Agency ng Japan.
“All subjects were caught manning different work stations using phones, tablets, and computers with police logo backgrounds.The scam operates as a courier-police impersonation scheme. Victims receive an unsolicited parcel or a call from a fake courier representative claiming a package linked to them contains illegal items. They are then transferred to scammers posing as police officers who threaten arrest or asset freezing. A second scammer, acting as a helpful investigator, convinces the victim to transfer funds to a purported “safe” or “verification” account, resulting in financial loss,” paliwanag ni Sy.
“All arrested subjects will be turned over to the BI Warden Facility upon completion of booking and documentation procedures,” dagdag pa niya. (JERRY S. TAN)