Technovation Manila ibinida ang siyensya, inobasyon, at kolaborasyon para isulong ang smoke-free goals
Advertisers
NAGTIPON-TIPON ang mga policy expert, scientist, health professional, at industry leader sa Manila Marriott Hotel sa Lungsod ng Pasay noong Nobyembre 10, 2026, para sa “TECHNOVATION: Smoke-Free by PMFTC,” isang summit na inorganisa ng lokal na sangay sa Pilipinas ng Philip Morris International na PMFTC Inc.
Nagsilbing sentro ng kolaborasyon ang summit na nakatuon sa pagbibigay-kakayahan sa mga adultong naninigarilyo na huminto sa paggamit ng sigarilyo.
Nakasentro ang mga talakayan sa inobasyon sa produkto, edukasyon ng mga mamimili, at mga estratehiya sa harm reduction na nakabatay sa agham upang suportahan ang kanilang paglipat sa mga smoke-free alternative.
Sinimulan ni PMFTC President Zhenya Ivanov ang pagtitipon sa pamamagitan ng pagbibigay-diin sa kahalagahan ng pagdadala ng pangunahing summit ng PMI sa Pilipinas sa kauna-unahang pagkakataon.
“Nakapagsagawa na kami ng mga talakayan tungkol sa agham at inobasyon sa iba’t ibang bahagi ng mundo. Ngunit espesyal para sa amin ang pagdadaos ng Technovation sa Maynila dahil may mahalagang papel na ginagampanan ang Pilipinas sa transpormasyon ng aming kumpanya tungo sa isang smoke-free future. Nais naming ibahagi hindi lamang kung saan kami patungo bilang isang kumpanya, kundi pati na rin ang agham, teknolohiya, at kaisipan sa likod ng paglalakbay na ito,” pahayag ni Ivanov.
Sinundan ang welcome remarks ni Ivanov ng isang fireside chat kasama sina Vassilis Gkatzelis, PMI President for East & Southeast Asia, Pacific and Global Travel Retail, at ang abogada at broadcast journalist na si Karen Jimeno.
Tinalakay nila ang smoke-free transformation ng PMI, mga pagbabago sa merkado, at ang kahalagahan ng inobasyon sa pagpapalawak ng access sa mga smoke-free product.
“Sa mga bansang may regulatory frameworks na kumikilalang hindi pare-pareho ang lahat ng nicotine products, nakita namin na mas mabilis ang paglipat sa smoke-free alternatives,” pahayag ni Gkatzelis.
“Kapag pinagsama ang access, impormasyon, tamang regulasyon, at wastong pagpapatupad ng polisiya, nakikita naming mas mabilis na bumababa ang paninigarilyo.”
Binigyang-diin ng mga PMI executive ang patuloy na pangangailangang iwaksi ang mga maling paniniwala tungkol sa nicotine at sa mga pinsalang dulot ng paninigarilyo.
Sa buong summit, iginiit ng mga eksperto na bagama’t addictive at hindi risk-free ang nicotine, ang combustion o pagsunog ang pangunahing pinagmumulan ng mga nakalalasong kemikal na sanhi ng mga sakit na kaugnay ng paninigarilyo.
Binanggit din nila na ang tumpak at nakabatay sa agham na impormasyon ay mahalaga upang matulungan ang mga adult na naninigarilyo na maunawaan ang pagkakaiba sa pagitan ng mga sinisindihang sigarilyo (combustible cigarettes) at ng non-combustible products, habang binibigyang-diin ang pangangailangan ng epektibong regulasyon at mga pananggalang para sa mga mamimili. Sa pagbabahagi ng kanyang pananaw kung paano binabago ng inobasyon ang industriya, sinabi ni PMI Vice President of Communications and Engagement Tommaso Di Giovanni na ang mga bagong ideya ay dapat na tunay na magpabuti sa pang-araw-araw na buhay ng mga tao.
Ipinunto niya na nagaganap ang makabuluhang pagbabago kapag nakahahanap tayo ng mas mahusay na solusyon sa mga kasalukuyang suliranin, kahit na sa simula ay nagdududa ang mga tao sa mga bagong teknolohiya.
“Ang tunay na sukatan ng inobasyon ay ang positibong pagbabagong maidudulot nito sa buhay ng mga tao, at hindi kung gaano ka-advanced ang isang teknolohiya. Sa pinakamainam nitong anyo, binibigyan tayo ng inobasyon ng kakayahang harapin ang mga masalimuot na hamon at gawing pag-unlad para sa lipunan ang pag-unlad sa agham,” aniya.
Nagsilbi namang batayan ang mga pananaw mula sa agham at public health sa isang talakayan kasama sina University of Louisville Professor Emeritus Brad Rodu, public health expert Dr. Sharifa Ezat Wan Puteh, psychiatrist Dr. Tomohiro Shirasaka, at urologist Dr. Rogelio Varela Jr., kung saan moderator si PMI Head of Scientific Engagement for East Asia and Australia, Yvonne Khoo.
Sinuri ng mga eksperto ang ugnayan ng siyentipikong ebidensya, teknolohikal na inobasyon, at regulasyon sa pagbawas ng pinsala mula sa paninigarilyo.
Naging bahagi ng bawat sesyon ng summit ang tema ng inobasyon. Sa kanyang pag-akyat sa entablado, tinalakay ng Swedish trendspotter na si Magnus Lindkvist ang kapangyarihan ng disruptive innovation, kung saan ipinakita niya kung paano aktibong binabago ng mga umuusbong na teknolohiya ang buong industriya at ang pag-uugali ng mga mamimili.
Upang bigyang-buhay ang mga inobasyong ito, ipinakilala ni PMFTC Senior Director for Smoke-Free Products Vickna Tharmalingam sa mga dumalo ang multicategory smoke-free portfolio ng PMI—kung saan binigyang-pansin ang induction-heated na IQOS ILUMA i at ang mga ZYN nicotine pouches.
Ibinaling naman ang mga talakayan sa polisiya at mga balangkas ng regulasyon sa pamamagitan ng “Voices of Change” panel, na pinagsama-sama sina Martin Cullip ng Consumer Center ng Taxpayers Protection Alliance, Rachmadin Ismail ng Indonesian media organization na Tirto.id, at PMFTC Director for Regulatory and Scientific Affairs Atty. Marco Santiago.
Sa pangunguna ni PMFTC Communications Director Atty. John Peter Ferdinand Echiverri, ginamit ng mga panelista ang mga pandaigdigang pananaw upang suriin ang mga estratehiya sa regulasyon, akses ng mga mamimili, at ang papel ng tobacco harm reduction sa pagpapabilis ng isang smoke-free future.
Sa pagtatapos ng summit, nanawagan si PMFTC Senior Director for Corporate Affairs Atty. Chita Herce para sa pagtutulungan ng pamahalaan, industriya, at iba pang mga stakeholder upang maisulong ang isang smoke-free future.
Binanggit niya na ang ganap na pagkamit sa potensyal ng siyentipikong inobasyon ay nangangailangan ng pagsasalin ng mga bagong tuklas tungo sa makabuluhang pag-unlad sa pamamagitan ng makatuwirang dialogue, mga polisiyang nakabatay sa ebidensya, at responsableng regulasyon.
“Maaaring magbukas ng mga bagong posibilidad ang agham. Ngunit magagawa lamang nating gawing pag-unlad ang inobasyon kung tayo ay magtutulungan,” pahayag ni Herce.
“Kung ang mga talakayan ngayong araw ay nakatulong upang mas maunawaan natin ang agham, makapag-isip ng mga bagong pananaw, o makapagtanong nang may sapat na kaalaman, naniniwala akong nakagawa na tayo ng isang makabuluhang simula.”
Bilang pagbibigay-diin sa pangmatagalang paninindigan nito sa transpormasyon, nag-invest na ang PMI ng mahigit USD 16 bilyon sa buong mundo para sa research and development (R&D) ng mga produktong walang usok mula noong 2008. Sa kasalukuyan, 99 porsyento ng adjusted R&D spending nito ay direktang nakalaan sa kanilang smoke-free business, na pinatatakbo ng mahigit 1,600 na mga espesyalisadong posisyon sa R&D. Sa ikatlong quarter ng 2026, ang mga smoke-free product ay bumubuo na ng mahigit 40 porsyento ng kabuuang net revenues ng PMI. Ang mga alternatibong ito ay mabibili na ngayon sa 110 merkado at ginagamit ng mahigit 43 milyong adults sa buong mundo.
Ibinaling naman ang mga talakayan sa polisiya at mga balangkas ng regulasyon sa pamamagitan ng “Voices of Change” panel, na pinagsama-sama sina Martin Cullip ng Consumer Center ng Taxpayers Protection Alliance, Rachmadin Ismail ng Indonesian media organization na Tirto.id, at PMFTC Director for Regulatory and Scientific Affairs Atty. Marco Santiago. Sa pangunguna ni PMFTC Communications Director Atty. John Peter Ferdinand Echiverri, ginamit ng mga panelista ang mga pandaigdigang pananaw upang suriin ang mga estratehiya sa regulasyon, akses ng mga mamimili, at ang papel ng tobacco harm reduction sa pagpapabilis ng isang smoke-free future.
Sa pagtatapos ng summit, nanawagan si PMFTC Senior Director for Corporate Affairs Atty. Chita Herce para sa pagtutulungan ng pamahalaan, industriya, at iba pang mga stakeholder upang maisulong ang isang smoke-free future.
Binanggit niya na ang ganap na pagkamit sa potensyal ng siyentipikong inobasyon ay nangangailangan ng pagsasalin ng mga bagong tuklas tungo sa makabuluhang pag-unlad sa pamamagitan ng makatuwirang dialogue, mga polisiyang nakabatay sa ebidensya, at responsableng regulasyon.
“Maaaring magbukas ng mga bagong posibilidad ang agham. Ngunit magagawa lamang nating gawing pag-unlad ang inobasyon kung tayo ay magtutulungan,” pahayag ni Herce.
“Kung ang mga talakayan ngayong araw ay nakatulong upang mas maunawaan natin ang agham, makapag-isip ng mga bagong pananaw, o makapagtanong nang may sapat na kaalaman, naniniwala akong nakagawa na tayo ng isang makabuluhang simula.”
Bilang pagbibigay-diin sa pangmatagalang paninindigan nito sa transpormasyon, nag-invest na ang PMI ng mahigit USD 16 bilyon sa buong mundo para sa research and development (R&D) ng mga produktong walang usok mula noong 2008.
Sa kasalukuyan, 99 porsyento ng adjusted R&D spending nito ay direktang nakalaan sa kanilang smoke-free business, na pinatatakbo ng mahigit 1,600 na mga espesyalisadong posisyon sa R&D. Sa ikatlong quarter ng 2026, ang mga smoke-free product ay bumubuo na ng mahigit 40 porsyento ng kabuuang net revenues ng PMI.
Ang mga alternatibong ito ay mabibili na ngayon sa 110 merkado at ginagamit ng mahigit 43 milyong adults sa buong mundo.