Advertisers

Advertisers

P9.4b utang ng ‘deadbeat’ subsidiaries ‘di na mabayaran…‘SEKRETO’ NG ABS-CBN BUKING!

0 45,010

Advertisers

HABANG abala ang mga bossing ng ABS-CBN sa pagpapakalat ng kwento ng kanilang “recovery”, may “madilim” na katotohanan palang nakatago sa kanilang records.

Sa 2025 Audited Financial Statement (AFS) ng dating media giant, isang nakakagulat na katotohanan ang tatambad sa iyo: may P9.4 bilyon na singilin ang kumpanya sa sarili nilang subsidiaries, na inamin nilang hinding-hindi na mababayaran.

Ang apat na subsidiaries baon sa utang.



Base sa AFS, pinagmumukhang maayos ng ABS-CBN Corporation ang balance sheet nila gamit ang bilyon-bilyong utang ng apat nilang kumpanya na pwede maituring na bangkarote na.

Ito ang mga sumusunod na subsidiaries:



Columbus Technologies. May utang na P3.01 bilyon, kungsaan ang P3.0 bilyon ay walang kolateral at sinasabi ng kumpanya na malabo nang makuha.

Sapientis Holdings. May utang na P2.88 bilyon at idineklara na ng parent company na “fully impaired” dahil hindi na kayang magbayad ng kumpanya sa kadahilanang meron itong bilyon pisong pagkakautang.



ABS-Convergence. May utang na P2.81 bilyon, at P2.7 bilyon dito ay parang naging abo nalang.

Play Innovations. May utang na P700 milyon at nakalista na bilang “fully impaired” o wala nang halaga.
“Paper Empire” na gumuguho.

Ayon sa mga source, ang isang malusog na kumpanya ay dapat kumikita mula sa subsidiaries nito. Pero sa kaso ng ABS-CBN, ang subsidiaries ay nagdagdag pa ng dahilan para sa ikababagsak ng kumpanya.

Habang ipinagmamalaki ng ABS-CBN ang kanilang international tours at streaming deals, ang masakit na katotohanan ay ang P9.4 bilyon na tinuring nilang “kita” noon ay naglaho na ng tuluyan.

Abot-langit na ang kaba dahil maging ang mga big-time auditors ng SGV & Co. ay nagbabala na—may “matinding duda” na raw kung kakayanin pa ng kumpanyang magpatuloy ng operasyon.

Sa gitna ng P22.6 bilyon na utang at balitang nag-aaway na ang board of directors kung dapat na bang isara o i-liquidate ang kumpanya, ang pangarap na “Kapamilya” ay tila nagiging isang bangungot nalang.

Kung ang ABS-CBN ay hindi na makasingil maging sa subsidiaries nito at hindi narin makabayad sa bank loans, hindi ba ito ay nagpapakita na kaduda-duda ang nilalaman ng kanyang AFS sa tunay na pinansyal nyang katayuan? Ito ba ay tunay na pagbangon—o ang “Paper Empire” ay tuluyan na ngang guguho?