Advertisers

Advertisers

NBI, handang tumulong sa extradition kay Quiboloy

0 16

Advertisers

INIHAYAG ni National Bureau of Investigation (NBI) Director Atty. Melvin Matibag na handa umano ang kanilang ahensya upang tumulong sa extradition sa founder at lider ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC) na si Pastor Apollo Quiboloy.

Kasunod ito ng paghahayag sa publiko ng Department of Justice (DOJ) sa paglalabas umano ng Makati Regional Trial Court (RTC) ng Extradition Warrant of Arrest kay Quiboloy at dalawang iba pa.

Kasalukuyang nakapiit sa Pasig City Jail Male Dormitory si Quiboloy kasama ang dalawa pang indibidwal kaugnay sa kinakaharap nilang non-bailable cases na “Anti-Trafficking in Persons Act of 2003,” dahil sa umano’y pang-aabusong ginawa nila sa isang 17-anyos na babae noong 2011.



Idagdag pa ang “child abuse” sa ilalim ng “Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation, and Discrimination Act na kinakaharap nila sa Quezon City RTC.

Sa pahayag ni Matibag nitong Biyernes, Nobyembre 13, sinabi niyang handa raw silang makipag-ugnayan sa iba’t ibang mga ahensya, lalo na si DOJ.



Giit ni Matibag, wala pa namang daw siguradong petsa o araw kung kailan dadalhin sa US si Quiboloy at mga kasamahan nito dahil magkakaroon pa raw ng mga pagdinig sa Korte.

Dagdag pa ni Matibag, wala rin daw siyang masasagot kung kailan ang petsa, sa tingin niya, mailalabas ng Pilipinas sina Quiboloy dahil sa nasa Korte pa rin daw ang huling desisyon nito.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">