Advertisers

Advertisers

P22.9-B pondo para sa ASEAN hosting ipinagtanggol ng Palasyo

0 20

Advertisers

IDINEPENSA ng Malacañang ang P22.9 bilyong pondong inilaan para sa pagho-host ng Pilipinas sa ASEAN Summit ngayong taon, kasabay ng pagtiyak na handa ang pamahalaan na sumailalim sa audit upang mapatunayan ang wasto at maingat na paggamit ng pondo.

Kasunod ito ng mga batikos sa laki ng budget kumpara sa P3.79 bilyon na inilaan noong administrasyong Rodrigo Duterte at humigit-kumulang P1 bilyon noong panahon ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.

Ayon sa Palasyo, hindi nangangahulugang nagastos na ang buong halaga at iuulat ng pamahalaan ang aktuwal na paggasta.



Ipinaliwanag ng Palasyo na umaabot sa 550 ang mga pulong ngayong hosting, kumpara sa 279 noong 2017, bukod pa sa paghahanda sa seguridad ng mga lider at pagsasaayos ng imprastraktura.

Giit niya, mas dapat tingnan ang lawak ng mga aktibidad at magiging pakinabang ng hosting sa bansa kaysa ikumpara lamang ang halaga ng nagastos.



Depensa rin ng Palasyo, bahagi ng seguridad at pagpapakita ng talento ng mga Pilipinong alagad ng sining ang mga harang at tarpaulin sa mga pangunahing ruta ng mga delegado. Tumugon ito sa batikos ni Bayan president Renato Reyes na pinahihirapan umano ang publiko dahil sa pagpapaganda ng bansa para sa summit.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">