Advertisers

Advertisers

NCRPO CHIEF PINURI ANG TAGUIG POLICE SA AGARANG PAGRESPONDE SA ROBBERY ENCOUNTER

0 8

Advertisers

PINURI ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang mga pulis na rumesponde sa insidente ng robbery na nagresulta sa isang engkwentro at pagkamatay ng dalawang robbery suspects matapos umanong looban ang isang pulis na naka civilian noong Huwebes sa Taguig City.

Sinabi ni NCRPO Acting Regional Director PBGen. Christopher N. Abrahano na ang agarang pagtugon ng mga rumespondeng tauhan ng pulisya, ay binibigyang-diin ang kahalagahan ng kahandaan sa pagprotekta sa publiko.

Inatasan ni PBGEN Abrahano ang Taguig City Police na paigtingin ang kanilang follow-up investigation at magsagawa ng manhunt operation para matukoy at mahuli ang iba pang posibleng miyembro ng robbery group na posibleng nag-ooperate pa sa lugar.



Pinaalalahanan din ng NCRPO Chief ang lahat ng police personnel na manatiling alerto,mahigpit na sundin ang police operational procedures at ang rule of law sa bawat police encounter.

Nanawagan din siya sa publiko na manatiling mapagbantay at makipagtulungan sa mga awtoridad sa pagpapatupad ng batas sa pamamagitan ng agarang pag-uulat ng mga kahina-hinalang indibidwal o hindi pangkaraniwang aktibidad sa kani-kanilang komunidad. (JOJO SADIWA)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">