Advertisers

Advertisers

6 pulis sa holdapan sa Caloocan, sibak

0 58

Advertisers

Agad na ipinag-utos ni Philippine National Police (PNP) chief General Jose Melencio Nartatez, Jr. ang pagsibak sa serbisyo sa anim na pulis na sangkot sa robbery holdap sa Caloocan City.
Ang 6 pulis na kinabibilangan ng isang Major mula sa Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ay naaresto ng mga otoridad sa joint follow-up operation nang matukoy na kabilang ito sa anim na pulis na nasangkot sa kaso.
Habang limang iba pa, isang Captain, isang Staff Sergeant, isang Corporal, at dalawang Patrolman ang patuloy na tinutugis ng mga otoridad. Pinaghahanap din ang isang sibilyan at dalawang hindi pa na-kikilalang indibidwal na may kaugnayan sa robbery.
Nabatid na ang Police Captain ay nauna nang sinuspinde sa loob ng 180 araw, habang ang isa sa dalawang Patrolman, dating nakatalaga sa CIDG nguni’t sinibak na sa serbisyo dahil sa isang kaso.
Nangyari ang insidente gabi ng Nobyembre 16 kungsaan ang mga biktima ay isang sibilyan at pulis na may ranggong patrolman.
Aabot sa P1.2 milyon ang halaga na nakuha ng mga suspek kasama ang motorsiklo, 3 cellphone, issued firearm ng pulis na biktima, at ang gintong bracelet na nagkakaha-laga ng P700,000.
Sinabi ni Brig. General Allen Rae Co, ang hepe ng Public Information Office (PIO) ng PNP, nagsasagawa na ng pagtutugis ang pulisya para maaresto ang mga tumakas na suspek.
(Mark Obleada)