Advertisers

Advertisers

NAPOLCOM CHIEF CALINISAN, MAY PAGMAMAHAL SA BAYAN

0 10

Advertisers

Kapuri-puri ang pagmamahal sa bayan ni Commissioner Ralph Calinisan ng National Police Commission o NAPOLCOM.

Sa kanyang pagdalo bilang guest sa ginanap na “MACHRA Balitaan” forum ng Manila City Hall Reporters’ Association sa Harbor View sa Ermita, Manila nitong Martes, napag-alaman na ito palang si Calinisan ay laki sa disiplina dahil parehong pulis ang kanyang mga magulang na sina General Roberto Calinisan at Police Colonel Elena De Ramos Calinisan, na dating mga opisyal ng noon ay Metrocom, PC-INP at maging ng PNP.

Isang certified public accountant at abogado na nagtapos bilang cum laude sa UP Diliman at nakakuha ng Juris Doctor sa Ateneo Law School, nakumpleto din niya ang Master of Laws degree sa Wharton Business and Law Program sa University of Pennsylvania, USA.



Bilang produkto ng Wharton ay tiyak nang maraming naghihintay na magaganda at malalaking oportunidad sa kanya sa US pero pinili niyang umuwi sa Pilipinas para dito gamitin ang kanyang mga natutunan, sa paglilingkod sa mga kababayan.

Naging lecturer siya ng Business Law sa UP Diliman at professor ng law sa Ateneo Law School.



Bukod diyan ay naging managing partner din siya ng sarili niyang law office, ang Calinisan Domino and Beron Law Offices kung saan ang hinahawakan nila ay mga ‘public interest cases’ o mga kaso na mahirap o walang pera.

Tinanggap din niya ang paghawak ng People’s Law Enforcement Board O PLEB sa Quezon City kung saan ang kanyang sinasahod ay P12,000 lamang kada buwan.



Ngayon naman, pinamumunuan niya ang NAPOLCOM kahit kulang na kulang ang mga tauhan at ni wala pala silang confidential funds man lamang.

Pinili niyang magserbisyo-publiko sa kapwa Pilipino kesa magpasasa sa kikitaing dolyar sa ibang bansa.

At dahil maraming tiwali o pasaway na pulis ang nasisibak sa NAPOLCOM, natural na marami din siyang mga banta sa buhay o ‘death threats’ na tinanggap sa araw-araw.

Sa pagpupulis pinalaki, pinakain at pinag-aral ng kanyang mga magulang si Calinisan kaya ayaw na ayaw niyang nadudungisan ang pangalan o imahe ng kapulisan.

Kaya tiyak na makakaasa tayo na hanggang nariyan siya, walang lokong pulis ang mamamayani sa hanay ng kapulisan.

***

Maaring mag-text o tumawag sa 0917-5225128 para sa anumang reaksyon.