Advertisers

Advertisers

ULAT NI LEGAZPI MAYOR HISHAM ISMAIL

0 29

Advertisers

NABALITAAN ko at aking ipinagtaka, ang ulat ni Legazpi City Mayor Hisham Ismail na ang kanyang nasasakupan ay napasailalim na sa Stable Internal Peace and Security (SIPS) status. Ito kasi ay iginagawad sa mga bayan na napalaya na sa pamemeste ng mga rebelde, partikular na ng mga New People’s Army (NPA).

Ang Legazpi sa Albay, Bicol ay kilala nating pinakaprogresibo ng bayan sa probinsiya. Kaya ang aking pagtataka ay ganun-ganun na lamang. Dangan kasi, ang ibig sabihin, nakakagalaw pa dati, ang mga NPA sa Legazpi.

Pero, sa ngayon, ay nawala na ang mga pesteng NPA, kaya nga naidineklara na ang lugar na isa nang SIPS.



Isang seremonya ang idinaos sa Legazpi City Convention Center, na dinaluhan ni Mayor Ismail at mga kinatawan ng Philippine Army, Philippine National Police, national government agencies, barangay officials at iba pang mga stakeholders. At dito napasailalim ang Legazpi sa SIPS.

Sabi nga ni Brig. Gen. Ariel Reyes, acting commander ng Army’s 9th Infantry Division (9ID), ang pagiging SIPS ng Legazpi ay bunga ng ‘whole-of-nation’ at ‘whole-of-government approach’ na tinatawag, kung saan ang local government units, security forces, national government agencies, civil society organizations at mga stakeholders ay nagsasama-sama para labanan ang insureksiyon of rebelyon.



Kapag ganyan daw ang nangyari, namamayani ang kapayapaan at kaunlaran, di gaya noon na mga security forces lang ang gumagalaw at puro bakbakan lamang, at marami ang along nahihirapan.

Sa SIPS nga raw, ang mga residente ay malayang natatamo ang edukasyon, kabuhayan, at nakakapag-enganyo pa ng mga namumuhunan upang umusad ang ekonomiya.



Saan ka pa nga lalagay, doon sa hinahayaan mameste ang NPA o’ doon sa sama-samang pagkilos para maitaboy, o’ nawala ang mga pester.

Di ba’t maganda ang buhay kung walang mga peste.

Sabi nga ni Mayor Ismail, kailangan nilang ipakita ang pagkakaisa para mapagtagumpayan ang kaguluhan at pairalin ang kapayapaan para sa ikauunlad ng Legazpi.