Advertisers

Advertisers

P23-MILLION HALAGA NG KALSADA SA ROMBLON

0 21

Advertisers

HINDI ito balitang korup, totoo ito, at matatapos na ang P23-milyong halaga ng kalsada na magiging access road sa Sitio Landing, Barangay, Ferrol sa may Romblon.

Ibinalita ito ni Ferrol Mayor Christian “Pong” Gervacio, na ang sabi halos 60 percent nang tapos ang proyekto at maaring makumpleto na bago matapos ang 2026.

Sabi ni Mayor Gervacio ang road project ay pinondohan sa ilalim ng 2026 Local Government Support Fund (LGSF).



Ininspeksiyon nga raw ni Mayor Gervacio kasama si Romblon Lone District Representative Eleandro Madrona ang nasabing kalsada, kung talagang ginagawa ito.

Ang tinatayang one-kilometer road ay matagal nang hiking ng mga residente sa lugar upang gumaan-gaan naman ang kanilang pagbibiyahe sa sa nasabing kalsada.



Sabi pa ni Mayor, ang iba pang LGSF-funded projects sa Ferrol ay ang pinapagawang school clinics sa Ferrol Central Elementary School at Bunsoran Elementary School, na may pondong P3,213,600 mula 2025 LGSF.

Mayroon din access road projects sa Barangays CM Recto at Hinag-oman na nagkakahalaga ng P3,900,169 kada kalsada.



Katulad ito ng kalsada na ininspeksiyong ng DILG sa Bulacan bilang LSGF-SBDP projects. Mga pagpapasemento iyan ng farm-to-market roads sa Bagong Pag-asa, Balaong, Cambio at Masalipit. Kasabay niyan ang elektripikasyon sa Bagong Pag-asa; at health station sa Masalipit.

Ang mga proyekto ay magpapabuti ng imprastraktura, transportasyon, kabuhayan at serbisyong pangkalusugan sa mga komunidad.

Bakit ko binabalita ang mga ito sa Inyo, kasi sa mga pesteng CPP-NPA-NDF at mga kaalyado nitong mga partylist wala tayong nababalitaang mga projects na ganyan.