Advertisers
GUMAWA ng kuwento ang Vice Presidential spokesman ni Sara Duterte-Carpio na si Atty. Sal Panelo, Jr., anak ng dating Presidential Legal Chief ni Digong na si Salvador Sr.
Press release ni Sal dinukot ang dalawang tao ni Sara sa Boracay, dinala sa Maynila at pilit pinapipirma sa isang salaysay kuno na gagamitin daw ng prosekusyon sa ongping Impeachment Trial laban sa Pangalawang Pangulo.
Pero nailigtas na raw kahapon ang naturang mga staff ni Sara. Ang nagligtas mga tao rin nila. Hehehe…
Paano nailigtas? Tumawag daw sa kanila yung staff kungsaan sila dinala ng kidnapper. Eh ‘di wow!!!
Kung DDS ka, maniniwala ka sa press release na ito ni Sal. Kasi kahit ano naman ang sabihin mo basta pabor sa Duterte, paniniwalaan yan ng DDS. Pramis! Hehehe…
Mantakin mo, kidnap victims may telepono, nakatatawag sa nag-rescue sa kanila.
At bakit hindi manlang pinangalanan ni Sal ang mga taong ito ni Sara na kinidnap? Hindi nila pina-blotter kahit sa barangay. Basta inihayag lang nila na nawawala ang staff ni Sara, at pagkaraan ng higit isang araw nang walang seryosong naniniwala sa kanila, biglang nag-press release nailigtas na raw nila. Ina n’yo!
Obviously gumagawa lang ng isyu si Sal para mapag-usapan sa social at mainstream media. Anak nga siya ni Salvador. Hehehe…
***
Isa sa mga inirarali ng mga militanteng grupo nitong nakaraang ASEAN Summit ay ang pagpatayo raw ng kompanya ng Pax Silica sa bansa.
Tinanong ng media kung ano ang alam nila sa Pax Silica at bakit kontra sila rito. Wala raw silang ideya kung ano ang Pax Silica. Sumama lang naman daw sila sa rali dahil pinangakuan silang bibigyan ng P500. Ayon!
Isang lider ng mga katutubo na nagrali, sinabi nila sa mga pulis na kontra sila sa pagpunta ni US President Donald Trump sa Pilipinas kasi sinusuka na nga raw ito sa Amerika. Ang babaw ng putah! Maka-rali lang! Hehehe…
***
Ngayong tapos na ang ASEAN Summit, ngayon sila magrali araw-araw, walang bubuwag sa kanila, ‘wag lang sila mag-vandalise at mangharang ng mga sasakyang sa kalye.
Pero malabong magra-rali araw-araw ang mga militante, magugutom sila at mainit ang panahon. Atake sa puso ang aabutin nila. Hehehe…
***
Magpapatuloy ngayon ang Impeachment Trial laban kay VP Sara.
Sino sino kaya ang mga testigong ihaharap ng Defense Team ni Sara? Nag-atrasan raw kasi ang mga testigo na ihaharap nila, maliban doon sa mga naging tao ng mga Duterte sa Davao City.
Sa totoo lang, walang kridibilidad ang mga unang testigong iniharap ni Sara. Kasi mga naging tauhan nya ito, tapos ‘pag nakorner ng private prosecutor at ng Senator-Judge ay sasabihing “Wala akong alam”, “Hindi ko maalala”. Ewan!