Advertisers

Advertisers

Atty. Ferdinand Topacio, ‘Di Patitinag Sa Pro- PBBM Bashers; Dr. Edwin Bien Idolo Si The Late Doc. Juan Flavier

0 42

Advertisers

Ni Peter S. Ledesma

Sunog at sopla ang mga bashers ni Atty. Ferdinand Topacio na pro-PBBM. Yes, sa kanyang official Facebook Page with 192K followers.

Lahat ng mga nanglalait at komokwestiyon at tanga-tangahan sa sa pagiging 5 star na abogado ni Atty. Topacio ay blow by blow ay sinasagot nito ang mga fake news o mga kasinungalingan na ikinakalat ng mga ito laban sa kanya. Like wala pa raw siyang naipanalong kaso. Ho’y mga kupal si Atty. Topacio ang nagpanalo sa kasong plunder at electoral sabotage ni dating pangulong Gloria Macapagal Arroyo, tax case na 2.9 billion ni ex-president at former Manila mayor Joseph “Erap” Estrada. Also the former first Gentleman Mike Arroyo vindicated ito sa kasong chopper case sa Sandiganbayan at sa NBN-ZTE.



Tatlo lamang silang naabswelto dahil kay Atty. Ferdie. Naipanalo rin ni Topacio ang kaso ni Claudine Barretto laban kay Raymart Santiago sa usaping child support para sa anak ng dalawa na si Santino. Samantala, sa top-rating daily radio program ni Atty. Topacio with Ms. Carla Abellana(not the actress) and Juvy de Guzman na “Yes…Yes…Yo…Topacio” sa DZAR(1026 AM Band).

Matapang na ipinaglalaban nito ang ating konstitusyon at ang pagbaluktot ng batas ng prosecution team para sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte. Mahigpit ring tinututulan ni Topacio, ang warrant of arrest ni Sen. Bato Dela Rosa sa ICC dahil gumagana naman daw ang batas dito sa Filipinas.



So dapat raw ay dito nililitis ang kaso ni Bato at hindi sa international court. Binatikos rin nito ang marangyang pamumumuhay ng mga kongesista at senador na lantad ang luxury cars at mga mansion. May patama rin ang sikat at controversial na abogado na si Senadora Risa Hontiveros sa sobrang balat sibuyas raw nito sa kritisismo.

Samantalang ito raw ang gusto magpatanggal noong 2022 ng batas sa libel. Naku, hindi kayo uubrang lahat kay Atty. Ferdinand Topacio lalo’t alam niya ang kanyang karapatan.



***

Idolo pala ni Doc Edwin A. Bien, si the late Dr. Juan Flavier na naging Secretary of Dept of Health at naging senador. Inspired si Doc Bien sa batas na Traditional & Medicine Act na si Flavier ang may akda. At kanya itong ginagawa sa kanyang mga nagiging pasiyente.

Marami siyang mga napapagaling. Ito rin kasi ang adbokasiya ng kaibigan naming doctor(Bien) ay ang health and wellness. Gusto niyang magkaroon ng magandang kalusugan ang lahat at makatulong sa mga taong may malalang karamdaman tulad ng cancer. May clinic rin na Le’BIEN Medical and Wellness si Dr. Bien na located sa Cubao, Quezon City.

At narito ang mga inaalok nilang serbisyo:

Medical Consultation, General Health Evaluation, Specialty Referral, Cancer Alternatives, Chelation Theraphy, German Homeopathy, US Herbal Remedies, Nutritional Medicine, Natural Remedies and Preventive Medicine. Madalas ring umattend ng seminar si Dr. Bien para lalo pang mahasa at lumawak ang kaalaman sa usaping medikal. Madalas rin siyang kuning speaker para naman sa awareness sa iba’t-ibang uri ng cancer like breast cancer. Mapapanood ninyo si Doc Bien sa “Perfect Mornings” ni Cheryl Cosim sa One PH. At may segment siya rito about health.