Advertisers

Advertisers

KRIS AQUINO NAPATAWAD NA SI JAMES YAP

0 17

Advertisers

Ni Ethel G.

Hindi man naging maganda ang naging takbo ng pagsasama noon nina Kris Aquino at James Yap tila mas pinili na ng Queen of All Media na pairalin ang pagpapatawad sa ex-husband at iwan sa nakaraan ang anumang sama ng loob niya rito.

Pinag-uusapan sa bawat sulok ng showbiz ang muling pagkikita nina Kris at James matapos ibahagi ng Queen of All Media ang kanilang pagkikita.



Matagal ding hindi nagkaharap ang dating mag-asawa matapos ang kanilang hiwalayan.

Sa kabila ng mga pinagdaanan nila bilang mag-asawa, ipinakita ni Kris na posible pa ring magkaroon ng maayos na pakikitungo sa taong minsang naging mahalagang bahagi ng kanyang buhay.



Hindi rin nakaligtas sa pansin ng mga netizen ang naturang pagkikita ng ex couple

Sari-saring reaksiyon ang nababasa tungkol sa muli nilang pagkikita.



May isang nagbigay ng nakakatawang obserbasyon at sinabing, “Sa puntong ito, para na silang magkaibigan na 19 years hindi nagkikita.”

May netizen namang nagbiro tungkol sa pagiging masuwerte ni Kris dahil nakarelasyon niya noon si James na bata, guwapo, hunk, basketball player at mayaman. Agad naman itong sinagot ng isa pang mambabasa ng “LOL. Natatawa ako.”

Kapansin-pansin na hindi lamang ang pagkikita nina Kris at James ang pinag-uusapan kundi ang posibilidad na tuluyan nang iwan ng dating mag-asawa ang kanilang mga hindi pagkakaunawaan noon.

Maganda naman ang komentong ito nag isang netizen: “Ang pagpapatawad ay hindi nangangahulugang nabura na ang lahat ng nangyari. Maaari rin itong mangahulugan ng pagpili ng kapayapaan at pagbitaw sa mga hinanakit na wala nang puwang sa kasalukuyan.”

Tama naman!!!