Advertisers

Advertisers

CONG PANALIGAN, NAKIPAG-DAYALOGO SA GRUPO NG “TINIG NG MAGSASAKA” SA ORIENTAL MINDORO AT PAG-AMYENDA SA RA 11203 TINALAKAY DIN

0 12

Advertisers

KAMAKAILAN idinaos ang isang pagpupulong at dayalogo sa pagitan ni Oriental Mindoro 1st District Rep. Arnan C. Panaligan at mga lider magsasaka at magbubukid na bumubuo ng samahang “Tinig ng Magsasaka” sa Lalawigan ng Oriental Mindoro.

Sa nasabing pulong, tinalakay ang mga panukala ng mga magbubukid na pagbabago sa Rice Tariffication Law, ang Republic Act No. 11203 na nagdulot ng problema sa kabuhayan ng mga magsasaka.

Nauna nang naghain si Cong. Panaligan sa Kamara ng bill na nag-aamyenda sa RA 11203 at ito ay kasulukuyang tinatalakay na sa Kongreso.



Marami sa mga panukala ng mga lider magbubukid ay nakapaloob na sa bill ni Panaligan.

Tiniyak ng kongresista sa mga lider magbubukid na patuloy niyang isusulong ang rebisyon ng rice liberalization policy na ayon sa kanya ay nagdulot ng pagkalugi ng mga magsasaka.



Ayon sa mambabatas, kailangang ibalik ang kapangyarihan ng pamahalaan na gumalaw sa industriya ng palay at bigas upang matiyak na patas at makatarungan ang farm gate price ng palay para maprotektahan ang kita ng mga magsasaka at abot-kaya naman ang retail price ng bigas para sa kapakanan ng mga consumers.

Ito ang layunin ng mga panukalang amyenda ni Cong. Panaligan.



Nagpahayag naman ang ‘Tinig ng Magsasaka’ ng suporta sa panukalang pagrebisa ng RA 11203 na isinusulong ni Cong. Panaligan.

Matatandaan na una ng inihain ni Panaligan ang pag-amyenda sa Republic Act No. 11203 (Rice Tariffication Law) upang ibalik sa pamahalaan ang kapangyarihang manghimasok sa merkado sa pamamagitan ng pagbili at pagbebenta ng bigas.

Layunin nitong maiwasan ang pagbagsak ng presyo ng palay at mapatatag ang presyo ng bigas.

Ayon nga kay Panaligan, hindi dapat ipinapaubaya sa pribadong sektor ang pagtatakda ng presyo ng pangunahing pagkain.

Isa si Cong. Panaligan sa mga pangunahing may-akda (principal authors) ng substitute bill na nag-amyenda sa Republic Act No. 11203, ang Rice Tariffication Law na isinusulong ng Committee on Agriculture sa House of Representatives.

Sa ilalim ng panukalang batas, binibigyan ang Pamahaalan ng kapangyarihan na gumalaw at kumilos sa merkado kung bagsak ang farm gate price ng palay upang maprotektahan ang kita ng mga magsasaka.

Ibinabalik din sa Pamahalaan ang kapangyarihan na gumalaw sa merkado kung mabilis at labis ang pagtaas ng presyo ng bigas para maprotektahan din ang interes ng mamamayan na bumibili ng bigas.

“Hindi tama na ipaubaya lang sa pribadong sektor ang pagtatakda ng presyo ng palay at presyo ng bigas sapagkat ito ay napakahalagang pagkain o staple food ng taumbayan. Iyan ang layunin at iwinawasto ng ating panukalang batas.” – sabi ni Panaligan

***

Anumang reaksyon o suhestiyon itext sa 09397177977/09368625001 o di kaya mag email balyador69@gmail.com