Advertisers

Advertisers

DALAWANG CHINESE FUGITIVES NA WANTED SA ONLINE GAMBLING, FRAUD CASES, DINAKIP NG BI-FSU

0 8

Advertisers

Dalawang Chinese nationals na ‘wanted’ sa China dahil sa illegal online gambling at fraud ang inaresto ng Bureau of Immigration (BI).

Ayon kay BI -Fugitive Search Unit (FSU) head Rendel Ryan Sy, si Yang Jiazhi, 31, ay dinakip sa Parañaque City nitong November 4 dahil sa pago-operate ng illegal online gambling syndicate habang si Cheng Kun, 41, ay inaresto naman sa Cagayan da panloloko ng kababayan sa pamamagitan ng pekeng overseas employment scheme.

Si Yang ay wanted at may arrest warrant mula sa Chinese authorities ng Sichuan Province at subject din umano ng Interpol Red Notice, dahil sa pagtulong sa operation ng network ng 360 illegal gambling websites at international financial transactions ng sindikato.



Si Cheng naman ay wanted sa ilalim ng 2024 detention warrant na inilabas ng Chinese authorities sa Fuxin dahil sa pagkolekta ng 35,800 yuan mula sa kababayan sa pamamagitan ng pekeng pangako ng trabaho sa ibang bansa.

Ani Sy, kapwa naka-detine ang dalawang banyaga sa BI Warden Facility sa Taguig City habang nakabinbin ang kanilang deportation proceedings. (JERRY S. TAN)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">