Advertisers

Advertisers

Bigyan ng masigabong palakpakan ang Rizal PNP Command sa pagbuwag sa mga pergalan, pero bukas na naman?

0 8

Advertisers

Nagbunyi ang mga Rizalenio at nais nilang bigyan ng masigabong palakpakan ang pamunuan ng Rizal Provincial PNP Command sa pamumuno ng magiting nitong Provincial PNP Director PCOL. Eleazar Barber na isa ring Abogado sa pagpapatigil ng salot na Pergalan.

Nais ring bigyan ng limang malulutong na palakpak ng Usapang HAUZ ang Tatay ng kapulisan sa Lalawigan ng Rizal na si PCol. Barber maging ang kanyang Public Information Officer PIO Chief PCapt. Macaraig sa paghahatid nito ng kaganapan sa kanilang AOR.

Bakit limang palakpak lang kasi mga Ka Usapang HAUZ may umaaray na ang mga mayari ng pinasarang Pergalan dahil 5 araw na umano silang walang kita subalit may nakalap tayong impormasyon di lang natin makumpirma kung tutuo na nagbukas na muli ang sugalan sa mga Peryahan kundi si PD Barber ang makakasagot kung ito ay positibo?



Ayon sa dumating na impormasyon sa Usapang HAUZ isang Sarhento D-Max ang siyang kinakausap ng mga mayari ng Peryahan upang kumbinsihin si PD Barber na muli silang magbukas ng sugalan, paano magbubukas eh bukas na, itanong po natin kay PD at PIO Chief PCapt Macaraig? tutal siya ang may tangan ng mga pangyayari sa paligid ng Rizal.

Kung tutuo man na muling nag operate ang mga Pergalan partikular yung puwesto sa Montalban na isang Macalindog ang siyang mayari, isang Elvie sa Bayan ng Tanay, Donya Tessie sa Taytay at ngayon ay ang bagong sulpot sa Binangonan na alias Mang Bert ang mayari at maaaring tutuo rin na nagkasundo na ang ilang opisyal ng Rizal PNP para sa tuloy tuloy na operasyon ng Pergalan pati na rin sa Antipolo?



Sa tutuo lang mga Ka Usapang HAUZ hindi matatawaran ang pagiging hepe ng Rizal PPO itong si PCOL. Barber dahil ng kalampagin ang Untouchable Pergalan sa Bayan ng Taytay na isang Donya Tessie ang nagmamayari at sinasbing bagyo sa lakas kay Mayor Allan De Leon dahil kumare ay hindi nito pinalampas at agad inaksiyunan, eh bukas na naman daw ulit PD.

Balikan natin mga Ka Usapang HAUZ itong si Sarhento D-Max, hindi lang pala pakikipagusap sa mga manager ng peryahan ang sakop nito kundi maging ang illegal gambling operation nitong si Bong Sola ay kanya ring hawak at bago natin makalimutan eh paano yung mga gamit pampasabog sa may mga quarry? “Ka booom”.



***

Para sa Inyong Puri at Puna maaaring mag-email sa cesarbarquilla2014@yahoo.com o mag text or tumawag sa 09352916036