Advertisers
ARESTADO ang apat na Taiwanese nationals na diumano ay nagpapatakbo ng online cyber fraud operation sa Mandaue City, sa isang operasyon ng Bureau of Immigration (BI), kasunod ng request mula sa Taipei Economic and Cultural Office (TECO).
Sa ulat ng BI Fugitive Search Unit (FSU) na pinamumunuan ni Rendel Ryan Sy, ang apat ay dinakip noong October 29 sa kanilang tanggapan sa Barangay Pagsabungan, kung saan naaktuhan sila na nagpapatakbo ng online platforms mula sa kani-kanilang workstations.
Kinilala ni Sy ang mga inaresto na sina Chan Feng Jui, 23; Yu Hsin Yu, 28; Wu Ching Yen, 25; at Jian Cheng Jia, 24. Sila ay mga ‘subject of arrest warrants’ na inisyu ng Taiwan New Taipei District Prosecutors Office noong August 20, 2026, kaugnay ng cybercrime activities.
Lahat sila ay naka-detine sa BI detention facility sa Taguig City habang nahaharap sa deportation proceedings. (JERRY S. TAN)