Advertisers
Iniutos ng Office of the Ombudsman ang anim na buwang preventive suspension kay Rosario, Cavite Mayor Jose Voltaire Ricafrente dahil sa pagsusugal nito sa isang casino sa Bacolod City.
Walang sahod ang suspensiyon habang dinidinig ang kasong grave misconduct at conduct prejudicial to the best interest of the service laban sa alkalde.
Batay sa imbestigasyon ng Ombudsman, pumasok si Ricafrente sa isang casino sa Bacolod noong Marso 14, 2026 kasama ang apat na iba pa.
Nakita itong naglaro sa isang gaming table gamit ang P30,000 halaga ng casino chips at nanalo ng P10,000 bago umalis kasama ang mga kasama.
Ipinagbabawal ng Memorandum Circular No. 06, series of 2016, sa mga opisyal at empleyado ng gobyerno ang pagpasok at pagsusugal sa mga casino.
Ayon sa Ombudsman, maaaring maapektuhan ni Ricafrente ang imbestigasyon kung mananatili ito sa puwesto dahil sa posibi-lidad na maimpluwensyahan ang mga testigo at magamit ang access nito sa mga dokumento ng gobyerno.