Advertisers

Advertisers

Kaibahan ng rali ng INC at militanteng grupo

0 14

Advertisers

PINAGTATALUNAN sa social media ang magkaibang pagtrato ng mga pulis sa rali ng grupo ng Iglesia Ni Cristo at ng mga militanteng grupo.

Bakit daw kapag ang INC ang nagrali, hindi sila binubuwag o inaaresto ng mga pulis. Pero kapag ang mga militante ay pinopokpok, sinisipa, binubugbog, kinukulong at kinakasuhan?

Oo nga naman!



Pero ganito yun, mga pare’t mare, hindi ako INC ha?. Kapag ang INC kasi ang nagrali ay hindi sila nagwawala. Maayos nilang isinisigaw ang kanilang mga hinaing, hindi sila nag-iiwan ng kalat sa venue, hindi nakikipagsigawan sa mga pulis, walang vandalism, at may mga tao silang nag-aayos ng trapiko.

Samantalang ang mga militante kapag nagsagawa ng kilos protesta, gulo ang hanap, nakikipagbasagan sa mga pulis, nagpupumilit pumasok sa lugar na bawal sila, nanghaharang ng daloy ng mga sasakyan, nag-iiwan ng mga basura at vandalism, dahilan para sila arestuhin at kasuhan.



Yan ang pagkakaiba ng rali ng INC at ng mga militante. Mismo!

***



Nanawagan si House lead prosecutor Representative Gerville Luistro sa mga abogado o Defense Team ni Vice President Sara Duterte-Carpio na tiyaking may sapat na kaalaman at kakayahang sumagot sa mga alegasyon ang kanilang mga natitirang saksi, hindi yung kapag nakokorner ay “walang alam”, “hindi ko matandaan” ang isinasagot.

Ayon kay Luistro, kung hindi magiging makabuluhan at kapani-paniwala ang mga testimonya, masasayang lamang ang oras ng impeachment court.

Mayroon pang walo hanggang sampung saksi ang inaasahang ihaharap ng depensa matapos nilang bitiwan ang 15 sa 16 bank officials na una nilang planong ipatawag.

So far, anim na saksi na ang naiharap ng kampo ni VP Sara, ilan sa kanila ay binatikos ng mga senador dahil sa hindi pagsagot ng direkta sa mga tanong. Kabilang dito ang corporate counsel na si Atty. Suzette Balucanag-Punay, na tinawag ni Sen. Raffy Tulfo na hindi kapani-paniwalang saksi matapos hindi nito maipaliwanag ang ilang usapin tungkol sa umano’y investment ng Bise Presidente.

Nakatakdang magpatuloy ang impeachment trial sa Huwebes (Nobyembre 19). Sapat nga kaya ang mga natitirang saksi ng depensa upang masagot ang mga alegasyon laban kay VP Sara?

Subaybayan!

***

Umaabot daw sa 200,000 US dollars ang dollar account sa bangko ni VP Sara, ayon kay Senador Antonio Trillanes.

Kinupirma rin ito ng Bank of Philippine Island (BPI), pero hindi nito puwedeng sabihin kung magkano. Bawal, ayon sa batas.

Ang naturang dollar account ay hindi nakadeklara sa SALN ni VP Sara.

Yari s’ya rito!