Advertisers

Advertisers

Ang pananahimik sa nakikitang mali ay bahagi narin ng mali

0 9

Advertisers

NAPAKAGANDA ng Homily ng pari sa Manila Cathedral nitong Linggo umaga.

Aniya, ang pananahimik natin sa nakikitang mali ay bahagi na tayo ng mali. Tama!

Ibig sabihin ng pari, kung nakikita mong mali ang ginagawa ng isang lider partikular politiko, dapat mo itong pansinin o batikusin, hindi yung magsawalang-kibo nalang. Mismo!



Nandyan ang social media, malaya mong pansinin ang mga maling gawin ng opisyal ng gobierno.

Tandaan: Ang mga taong gobierno ay nandiyan para magserbisyo sa mamamayan, hindi ang nakawin ang pondo ng bayan.



Tandaan: Ang politiko ay hindi dapat ginagawang Diyos na niluluhuran, sinasamba at kinatatakutan. Dahil tayo na taong bayan ang naglagay sa kanila sa kapangyarihan. Inilagay natin sila dahil sa pangako nilang magserbisyo ng buong katapatan. Kaya ‘pag nakikitang mali na ang ginagawa ng opisyal, dapat natin itong pansinin, batikusin. Ito’y karapatan nating taxpayers. Dahil tayo ang kanilang employer. Gets n’yo, mga bossing? Lets do it!!!

***



Kinumpirma ng Bank of Philippine Island (BPI) sa kanilang sulat sa Senado na si Vice President Sara Duterte-Carpio ay mayroong UD dollar accounts pero hindi nila maaring isiwalat ang balances o transaction histories.

Sa ilalim ng Philippine law, ang foreign currency deposits ay mahigpit na pinoproteksyunan.\

Ang naturang dollar accounts ni Sara ay hindi niya dineklara sa kanyang SALN. Yari siya!

***

Iminumungkahi ng mga political supporter ni dating Vice President ngayo’y Naga City Mayor Leni Robredo na maglunsad ng online signature campaign na naglalayong makalikom ng 40 milyong pirma upang hikayatin si Leni na muling pag-isipan ang kanyang desisyon at tumakbo sa pagkapangulo sa 2028 elections.

Sa mga naglalabasang survey para sa presidentiables, si Robredo ang pinakamahigpit na kalaban ng Duterte.

May mga political analyst na nagsasabi na ang matibay na dapat maka-tandem ni Robredo ay alin sa magkapatid na senador na Tulfo or si Sen. Bam Aquino.

Dapat anilang one-on-one lang na labanan ang Duterte para mauga ang malakas na balwarte nitong Visayas at Mindanao.

Si Robredo ay may malaki ring suporta na nakuha sa VisMin nung tumakbong Presidente, pero dahil sa Marcos loyalists ay natalo ito sa Marcos-Duterte tandem noong 2022.

Ngayong nabuwag na ang Marcos-Duterte tandem, malamang na halos 50% na bumuto noon kay Sara ay mapunta na kay Leni, kung si Leni ang susuportahan ng Marcos sa 2028.

Ang Tulfo ay malakas sa masa. Malaki ang maitutulong niya kay Robredo kung sila ang tandem.

Kung si Aquino naman, swak ito sa kabataan. Let’s see!!!