Advertisers
ISA sa mga rason kung baki nasasadlak sa masasamang gawain ang mga alagad ng batas partikular pulis ay dahil sa masamang bisyo tulad ng sugal, babae at droga.
Tulad nitong anim na pulis na nangholdap ng kanilang kabaro at isang negosyante sa Caloocan City kamakailan. Dalawa sa kanila ay mga opisyal, Major at Captain. Arestado na ang ilan sa kanila. Kabilang sa mga nadakip ang Major.
Itong Major, ayon sa aking source, ay nasa-floating status, adik sa sugal at maraming tsiks. Kaya para matustusan ang kanyang mga bisyo, gumagawa ng pera mula sa iligal, panghoholdap!
Ganun din ang kasama niyang Captain, sagad din sa bisyo. Kaya gumagawa rin ng mga iligal na pagkakaperahan. Gago nga!
Ito ang rason kung bakit mahigpit na ipinagbabawal sa mga pulis ang pumasok sa mga sugalan partikular casino, sabungan at beerhouses.
Ang anim na holdapet na pulis, ayon kay PNP Chief, General Jose Melencio Nartatez, ay isasailalim sa summary dismissal. Kaagad silang sisipain sa serbisyo.
Humingi narin ng tulong kay NAPOLCOM Commissioner Ralph Calinisan ang negosyanteng biktima ng holdap. Kaya tapos ang police career ng mga holdaper na pulis. Tama lang!
***
BINATIKOS ni Senador Imee Marcos ang bilyones na nagastos ng gobierno sa katatapos lang na ASEAN Summit sa bansa, na dinaluhan ng mga lider sa Asya. Kabilang sa mga dumalo si US President Donald Trump.
Ang Pilipinas ay gumastos ng P22.9 billion sa naturang event.
Actually, maliit lang ang P22.9 billion kumpara sa mga nagastos ng gobierno sa mga nagdaang pag-host ng bansa sa ASEAN Summit.
Ang maging host ng summit ay malaking karangalan para sa isang bansa. Mantakin mo naging venue ang Pilipinas ng pagkikita ng mga lider ng iba’t ibang bansa, kungsaan pinag-usapan at naaayos ang mga kinakaharap na problema ng mga bansa, at paggawa ng mga polisiya na makatutulong sa paglago ng ekonomiya at pagresolba sa mga problema ng ating mga kababayan na nagtatrabaho sa iba’t ibang panig ng Asya.
Alam naman ito ni Imee. Gumagawa lang siya ng isyu para masira ang gobierno ng kanyang bunsong kapatid. Teka, magkapatid nga ba talaga itong sina Imee at Pres. BBM? Ewan!
***
Gago rin naman itong partylist representative ng Manggagawa na si Eli San Fernando.
Binira niya ang gobierno sa pagtakip daw sa mga barong barong na nakatirik sa tabi ng mga daan malapit sa in ternational airport. Bulok daw ang gobierno. Plastik!
Kunsabagay tama naman siya. Pero hindi ba niya alam na bahagi rin siya ng gobierno. Kung bulok ang gobierno, kasama rin siya sa bulok na opisyal!
Kung ako kay San Fernando, magbibitiw nalang ako sa pagkakongresista at sumama nalang sa mga militante!