Advertisers

Advertisers

Show Cause Order vs Atty Paolo Panelo hinggil sa kanyang mga nakababahalang pahayag at kawalang-galang Senate Impeachment Court

0 5

Advertisers

Show Cause Order vs Atty Paolo Panelo hinggil sa kanyang mga nakababahalang pahayag at kawalang-galang Senate Impeachment Court

 

Nananahimik na sina Senator Miriam Santiago at CJ Renato Corona, please lang! Kapansin-pansin ang vtr reel na ipinakita ng Duterte Defense Team nitong nakaraan Huwebes sa kasagsagan ng Sara Duterte Impeachment Trial!



Sina Senators Panfilo Lacson, Erwin Tulfo at Francis Pangilinan ay di napigilang humirit at nagtanong sa kung ano ang kaugnayan ng mga palabas na ito sa dinidinig na Unexplained Wealth Case ni Sara Duterte…minus na ang tatlong kaso pang dininig na nuong umpisang Day 1 ng trial.

Lalong hindi makapigil sa yamot at inis ang mga katoto kong nakatutuk sa pagdinig, siyempre pa ang milyun-milyong PILIPINO na naghihintay rin ng resulta — Acquit o Convict — si Sara Duterte!



At habang tinitipa ko ang pitak kong ito para ngayon Sabado (21 Nov) umalingawngaw sa bulwagan ng Senate Impeachment Court ang panukala ni Senator Erwin Tulfo ngayong Biyernes, na bigyang pansin ang mga kawalang-galang na pagpuna ni Atty Paolo Panelo na spoxman ni Sara Duterte sa mga kaganapan sa pagdinig sa kasalukuyan, na sadyang mali kundi man labag sa rules and regulations surrounding the legal process of the political activity.

Ang pagpapakita ng mga outspoken words nina dating CJ Renato Corona ng Supreme Court at diskurso ng dating Senator Miriam Santiago sa mga nasabing vtr reels na naganap nuong sila ay nabubuhay pa — ng panig ng Duterte Defense Team– ay pawang pantawag pansin at pangkalap ng simpatiya o awa para sa akusadong si Sara Duterte. Walang ibang maiisip ang sinumang nakarinig nito itong nakaraang Huwebes — na makailang beses na naudlot dahil sa mga manipestasyon at pagpuna ng nilang senator judge dahil sa haba nito (na halos kanin ang kalahating yugto ng pagdinig) bagay na nababalam ng walang katuturan ang trial ng Unexplained Wealth ni Sara Duterte.



Sa kabilang banda, ang hakbang naman ni Presiding Officer Chiz Escudero hinggil sa obvious na meddling ni Sara Duterte spox Atty Paolo Panelo sa Senate Impeachment proceedings na tawagan/patawan siya ng Show Cause Order ay kapuri-puring bigyan diin dahil ang pakiramdam ng maraming mamamayan ay isang pagpapakita ni Escudero ng kawalang-kiling o pabor na pagtingin sa dalawang panig — prosecution man o sa defense team.

Disyembre ang umuugong na maarinig ma-wrap up na ang pagdinig sa impeachment na ito ni Sara Duterte. Ito ay inaasahang magbibigay ng magandang senyales na hinog na at dapat nang wakasan ang korupsyon sa pamahalaan at pagtingin ang pagpapairal ng KATARUNGAN PARA SA LAHAT.