Advertisers

Advertisers

Mga pulis na holdaper

0 8

Advertisers

I am text block. Click edit button to change this text. Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipiscing elit. Ut elit tellus, luctus nec ullamcorper mattis, pulvinar dapibus leo.

INIREKLAMO na sa National Police Commission (NAPOLCOM) ang anim na pulis na nangholdap sa kapwa nila pulis at isang negosyante sa Caloocan City.

Dumulog sa tanggapan ni NAPOLCOM Commissioner Ralph Calinisan ang isa sa mga biktima upang pormal na magsampa ng reklamo nitong Nobyembre 19, Huwebes.



Sa kanyang salaysay, naganap aniya ang panghoholdap 10:40 ng gabi ng Lunes, Nob. 16, 2026, sa harap ng isang convenience store along William Shaw St., Barangay 87, East Grace Park, Caloocan City.

Makikipagkita ang biktimang negosyante na si Edison Vinarao at ang kasama niyang si Patrolman Juan Enrico Calasin, miembro ng PNP Drug-Enforcement Group sa Camp Crame, upang magbenta ng gold bracelet worth P700K.



Pero biglang binago ng mga tulisang pulis ang tagpuan. Dito ay hinarang ang dalawang biktima na nakamotorsiklo, tinutukan ng baril, pinadapa sa kalsada.

Tinangay ng mga tulisang parak ang P1.2 halaga ng mga ari-arian – gold bracelet, motorsiklong Honda ADV 160, 3 cellular phones, isang CZ Shadow 2 caliber 9mm pistol na pag-aari ni Pat. Calasin.



Matapos ang panghoholdap, isinakay ang dalawa sa isang sasakyan at inabandona sa C.P. Garcia Avenue malapit sa UP Diliman sa Quezon City. Wala namang tinamong sugat ang dalawa.

Kinilala ni Pat. Calasin ang anim sa siyam na nangholdap na mga miembro ng PNP: Major Jasper Benedict Santos ng CIDG, graduate ng PNPA Class2016; Captain Mikko Arellano, ex-Patrolman Dan Lester Salazar, Sr. MSgt. Orain Jerrie, Corporal Kenn Remar Figueroa, Pat. Eardi Bautista, sibilyan na sina Manuel Carlos, at dalawa pang hindi pa nakikilalang indibidwal.

Sa mga ito, si Maj. Santos palang ang naaresto sa followup operation.

Kaagad silang sinibak sa serbisyo ni PNP Chief Jose Melencio Nartatez, Jr., at mahigpit na iniutos na dakpin ang mga ito at kasuhan ng kriminal.

Sa pagpunta ng isang biktima sa NAPOLCOM, kaagad sinimulan ni Comm. Calinisan ang imbestigasyon.

Ang siguradong kahahantungan ng imbestigasyong ito ng NAPOLCOM ay dismissal at kulong. Pramis!

Sinayang lang nina Maj. Santos at Capt. Arellano ang kanilang pagiging opisyal ng PNP. Maliit lang ang P1.2m kumpara sa magiging benepisyo sana nila kapag nagretiro sila sa serbisyo. Tsk tsk tsk…

***

Its good na napawalangsala ang aking kumpare, retired Police General Bernardo Diaz, dating Manila Police.

Si Diaz ay isa sa mga isinama ni dating Pangulo Digong Duterte sa ‘Narco-General’ list noon. Inalis siya sa serbisyo.

Pero pinawalang-sala ng Korte Suprema si Diaz. Napatunayang puros gawa-gawa lang ng mga aso ni Digong ang ikinaso sa kanya.

Ang talagang rason king bakit isinama sa ‘Narco-General’ list ni Digong si Diaz ay dahil nangampanya ito noon para kay Mar Roxas para presidente. That’s it!