Advertisers

Advertisers

Kapwa akusado ni Romualdez sa plunder case sumuko sa NBI

0 22

Advertisers

INIHAYAG ng Office of the Ombudsman ang pagsuko ng kapwa akusado ni dating House Speaker Martin Romualdez sa National Bureau of Investigation (NBI).

Sa isang pahayag, kinumpirma ng tanggapan ng Ombudsman na sumuko si Felicito Guevarra, Pangulo ng Samchan Foreign Exchange Corporation na kapwa nahaharap din sa plunder sa Sandiganbayan Third Division.

Sumuko anila noong Huwebes, Nobyembre 19 si Guevarra matapos na ipakansela ng prosekusyon ang kaniyang passport.



Sa ngayon, magpapatuloy naman ang schedule ng kaso laban sa iba pang akusado.

Habang ibinalik na rin daw ng kumpanyang Samchan sa Bureau of Treasury ang lahat ng kanilang kinita mula sa mga kinukuwestiyong transaksyon.



Sa kabila niyan, hindi raw nito mabubura ang kriminal na pananagutan at hindi rin magiging batayan ng immunity.

Pinagbigyan ng conditional immunity si Guevarra dahil kinakailangan anila ang testimonya at records para maitatag ang katotohanan sa kaso.



Kabilang naman sa inilatag na kondisyon ang buong pakikipagtulungan at pagsasabi ng totoo, pag-turnover ng records at devices ng Samchan, pana-natili sa bansa at sa ilalim ng proteksyon ng Department of Justice (DOJ).