Advertisers

Advertisers

Basic Education Voucher Assistance Act pirmado na ni PBBM

0 22

Advertisers

NILAGDAAN ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Republic Act No. 12327 o Basic Education Voucher Assistance Act na naglalayong mapalawak ang access ng mga estudyante sa pribadong paaralan at mabawasan ang siksikan sa mga pampublikong paaralan.

Sa ilalim ng batas, bibigyan ng tulong-pinansyal sa pamamagitan ng education vouchers ang mga kwalipikadong estudyante, partikular ang mga mula sa mahihirap at middle- to low-income na pamilya.

Prayoridad dito ang mga mag-aaral mula sa mga pampublikong paaralang kulang sa silid-aralan at mga lugar na limitado ang access sa pampublikong edukasyon.



Itinatakda rin ng batas ang pagbuo ng Bureau of Private Education sa ilalim ng Department of Education (DepEd) upang pangasiwaan at tiyakin ang kalidad ng mga pribadong paaralan.

May nakapaloob ding parusa laban sa pandaraya at iba pang paglabag sa pagpapatupad ng programa.



Magsisimula ang unang yugto ng implementasyon sa kindergarten at elementarya sa School Year 2027-2028. (Gilbert Perdez/Vanz Fernandez)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">