Advertisers
Ngayon nabatid ng tri-media, sampu na ng mga netizen kung ano ang puno’t dulo ng “pag-was” o “pagtanggi” ni dating Senador Sonny Trillianes –na tuluyan nang di sisipot sa Senate Impeachment try laban kay Sara Duterte.
Ang kahapong press conference na ipinatawag ni Trillianes sa Club Filipino sa Greenhills, Ortigas, San Juan City ang nagladlad ng lahat – dahilan at ibang kaganapan – kung bakit minabuti ni Trillianes na hindi na sisipot sa pagdinig gayon dati’y nailahad na, na siya ay parte ng Prosecution team na tetestigo. Ang dahil ay ang “walang subpoena” na inihatid sa kanya para tumestigo sa mga kwestyonableng yaman at ari-arian ni Sara ang ng kanyang asawang si Manases Carpio.
WHAT KEPT THE PRESIDING OFFICER FROM NOT “SO KEEN” ANY LONGER IN CALLING OUT ON TRILLIANES TO SHARE HIS TESTIMONY IN THE SUCCEEDING IMPEACHMENT HEARINGS? Inihayag ni Trillianes kahapon sa harap ng mga mamamahayag na “mayroon sa mga nasa hearing na iyon” ang pumipigil na siya’y hindi na paharapin kaya siguro ang imbitasyon o subpoena para sa kanyang pagharap ay natunugan na niya na “binabara o pigilan na” dahil nga sadyang “damning evidence” ang nilalaman nito tulad ng ipinakita niyang slide presentation sa mga tri-media people
TRUE ENOUGH TRILLIANES WAS WISE ENOUGH AND MADE THIS MOVE TO HOLD A PRESS CONFERENCE AT THE LEGENDARY CLUB FILIPINO TO BRING FORTH TO THE JUSTICE-HUNGRY FILIPINOS THE REAL TRUTH SURROUNDING THE UNEXPLAINED/QUESTIONABLE WEALTH OF SARA DUTERTE, HER HUSBAND MANS, HER BROTHERS BASTE AND PULONG AND THEIR ICC-HELD FATHER—THE FORMER PRESIDENT RODRIGO ROA DUTERTE.
Tama si Trillianes, at sa ganang akin, na dati’y walang ka bilib-bilib sa mga pinaglalahad niya nuong siya’y dating Senador pa — na mas mabuting direkta mente niyang ipaalam sa madlang PILIPINO ang tunay na kwento sa likod ng mga pakitang (publisidad) ng mga Duterte na “sa ilalim ng kulambo ang dating pangulo natutulog at minsan pa nga ay “naka-kamay kung kumain”. Isang publicity stunt na kung wawariin nga natin ay tunay at wagas dahil pangulo na mismo ang ladlarang nagpapakita sa mga balita at posting sa socmed.
Ngunit sa kabila pa nito, patuloy na pahayag ni Trillianes ay santalakasang yaman at daan-daang milyong piso pala ang nasa bank records at property listing ni Sara at ng kanyang asawa na di nabangggit sa Statement of Assets and Liabilities Network (SALN) ni Duterte. Namangha ang lahat at karamiha’y di makapaniwala lalo na nang ang mga singkit na “business partner” ni FPRRD ay inilahad ni Trillianes na sangkot sa pagpasok ng mga meth at Iba pang illegal shipments at ang “contribution” ng mga ito ay nasundan sa mga bank accounts ng mga magkakapatid na regular na pumapasok.
Tama si Trillianes na piniling sa Club Filipino , na sa ibang nakari-relate sa kahalagahang ng prestihiyosong bahay-pulungan na ito mula pa nuong pagsakop ng mga Kastila—ganapin ang kanyang paglalahad ng “lahat ng kanyang nalalaman” patungkol sa tagong-yaman ni Duterte at ang pinagmulan ng mga ito ” ng walang babara o hahadlang habang ito ay pinaninindigan niya nang had- lang o walang CONTINUING OBJECTION mula sa “umano’y de-campanilla na battery of lawyers” na dumidepensa sa kanyang katunggali sa Senate Impeachment try na sa ngayo’y nasa ika -32 araw na ng pagdinig.
Nabangggit ni Trillianes sa mga nagko-cover ng kanyang pulong-pamahayag na ang paglalahad niya ng katotohanang ito ay walang nag-utos sa kanya na tumanggi o umiwas sa pagharap sa Senado…manapa’y inisip niyang mabuti at solong nagpasiya na di maging dahilan pa ng galit o ngitngit ng madla sa kanino man sa Senado na dati’y laman din siya. Ang hindi niya masiphayo ay “mayroon” sa mga Senador-huwes ang tigas na pinipigilan ang kanyang presensya sapagkat ang sasabihin niya at panunumpaan ay pawang katotohanan lamang at walang bahid-putilika o personal na motibo sa kabila ng iringan nila ng dating PRRD nuong mga nagdaang taon sa ilang pagdinig ng Congressional Committee on Justice.
Ang paghuhugas kamay o pagiwas sa pagdinig o pagpapalaganap ng katotohanan ay naihahambing sa ilang yugto sa kasaysayan ng Biblya — si Ponsyo Pilato lang ang karakter na gumawa nito!