Advertisers

Advertisers

Panawagan kay BGen. Wanky: Militia sa Region 4-A lansagin

0 1,788

Advertisers

PATULOY ang garapalang operasyon ng mga ilegal na pasugalan sa CALABARZON partikular sa Batangas, na sangkot hindi lamang mga lokal na gambling maintainer kundi maging ang ilang matataas na opisyales ng pulisya, iba pang law enforcement arms at tauhan ng pamahalaan.

Kaugnay nito, mariing nanawagan ang mga grupong sibiko kay PNP Region 4-A Director, Brigadier General Jack Wanky; at kay PNP Chief, General Nicolas Torre III, na agad tugunan ang lumalalang sitwasyon bago pa tuluyang malubog sa krimen ang rehiyon.

Sa ulat na nakalap ng Mamamayan Kontra Krimen at Bisyo (MMKB), isang bagong militia group ang naitatag sa ilalim ng pamumuno at pinopondohan ng dalawang gambling/drug lords sa Batangas na kilala sa alyas “Marasigan” at “Gardiola” kasabwat ang isang aktibong PNP Colonel at isang alyas “Puti” na kilalang makapangyarihang pulitiko sa naturang lalawigan.

Layon ng grupo nina alyas Marasigan at Gardiola na kamkamin, manipulahin ang operasyon ng madayang ilegal na operasyon ng 1-40 Small Town Lottery (STL) bookies o jueteng sa Batangas at iba pang probinsya sa Region 4-A, at ipasailalim sa kanilang kontrol ang pagpapatakbo ng lahat na lokal na gambling operators.

Ibinulgar ng MKKB na higit sa 300 STL bookies maintainers ang aktibong nag-o-operate sa CALABARZON, kungsaan halos 100 sa mga ito ay nakabase sa Batangas. May tumatakbo namang STL bookies/ jueteng sa 52 probinsya ng bansa.

Hindi lamang STL bookies o jueteng ang laganap sa rehiyon, pati pergalan (mga peryahan na pulos sugalan), saklaan, tupadahan o ilegal na sabungan at puesto pijo o permanenteng pasugalan tulad ng color games at mga sugal lupa na matatagpuan sa mga pampublikong lugar gaya ng mga pamilihan, billiard hall at recreational center.

MILITIA BILANG PRIVATE ARMY NG MGA GAMBLING LORD
Ipinakilala ang mga nagtatag ng militia group bilang kaagapay ng kapulisan at iba pang awtoridad sa kampanya kontra ilegal na sugal, ngunit napag-alaman ng MKKB na nagsisilbi lamang ang mga ito bilang private army ng dalawang gambling operator.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">

Ginagamit ng grupo ang kanilang armas na tila mga miyembro ng PNP at militar upang takutin at kontrolin ang mga nagmamantine ng rebisahan ng taya sa STL bookies o jueteng sa iba’t ibang bahagi ng rehiyon, isang modus na kinikilala na ngayong “state- backed gambling monopoly”.

Ayon sa ulat, mula Agosto 2024 hanggang May 2025, sunod-sunod ang mga isinagawang “anti-gambling operations” ng militia group sa mga lungsod ng Lipa, Tanauan, Calaca, Sto. Tomas at Batangas City at sa mga bayan ng Lemery, San Luis, San Juan, Taal, Balayan, Tuy, Lian, Alitagtag, Calatagan, Bauan, Nasugbu, San Pascual, Mabini, Padre Garcia, Laurel, Malvar, Lobo, Cuenca, Ibaan at marami pang iba.

Subalit imbes na maaresto at masampahan ng kaso ang mga sangkot sa operasyon ng STL con jueteng ay nauwi sa “aregluhan at timbrehan” ang mga police dragnet. Kinukumpiska ang kubransa sa taya, lastilyas at iba pang gambling paraphernalia, ngunit ibinabalik sa mga lokal operator ang kontrol kapalit ng pagre-remit sa bagong “sentralisadong” operasyon nina Marasigan at Gardiola.

Mariin ang panawagan ng MKKB sa pamunuan ng PNP, lalo na sa bagong talagang Regional Director na si BGen. Wanky, na ipag-utos ang masusing pagsisiyasat at kagyat na isailalim sa kanilang kustodiya ang mga miyembro ng militia group na armado ng matataas na baril.

Giit nila, hindi na ito simpleng kaso ng illegal gambling na lumulukob sa Batangas at mga kanugnog na lalawigan ng Cavite, Laguna, Rizal at Quezon, kundi isa nang seryosong banta sa peace and order ng rehiyon.

Hinikayat din nila sina BGen. Wanky, Batangas provincial director Col. Geovanny Emerick Sibalo at iba pang field at provincial commanders sa rehiyon na agarang simulan ang malawakang kampanya laban sa mga tauhan at opisyal ng pulisya na protector ng STL bookies o jueteng, pergalan at iba pang gambling dens lalo na ang ino-operate na sakla joint sa bayan ng Nasugbu ng isang Jemwel sa Brgy. 1, sakop ni Chairman Mario Bengcang; ni Jolas sa Brgy. Reparo, hurisdiksyon ni Chairman Mellet Caraig; at ang mga pinatatakbo ni alyas Kon Unan sa mga barangay ng Lumbangan at Bilaran.

Isang alyas Sarhento Ilaw at ang nagpupulis-pulisang drug pusher na si “Willy Bokbok” ang tinukoy na protektor ng naturang saklaan; sakla joint sa bayan ng Padre Garcia nina alyas Tisoy at Nonit; saklaan sa iba’t ibang barangay at montehan sa Brgy. 3 ni Lopez sa Lipa City; pasakla ng isang Magsino sa Sto. Tomas City ay marami pang iba. May karugtong… (CRIS A. IBON)