Advertisers
Dead-on-the-spot ang 44-anyos na babae nang tambangan at pagbabarilin ng riding in tandem sa Caloocan City.
Tumakas naman ang mga salarin papunta sa hindi nabatid na lugar sakay ng motorsiklo.
Napag-alaman na sinundan ng salarin ang biktima habang pauwi na sa tinitirhang subdivision sa Brgy. 169 nang maganap ang pananambang.
Inaalam din ng pulisya kung totoong isang kawani ng lokal na pamahalaan ng Caloocan ang biktima.
Blangko pa din ang pulisya sa motibo ng pamamaril. (Beth Samson)