Advertisers

Advertisers

Pokwang tuloy na ang pag-oober da bakod sa TV5

0 359

Advertisers

PAGKATAPOS ng pinag-usapan niyang paggue-guest noon sa “Bawal ang Judgmental” segment  ng longest running noontime variety show na “Eat Bulaga”, hindi nawala ang espekulasyon ng netizens na lilipat na ang magaling na komedyanang si Pokwang sa nasabing network.

Dahil na rin sa pagsasara ng ABS-CBN, naging maluwag naman sila sa ilang talents nila na tumanggap ng trabaho outside of their mother network, kaya naman hindi nakapagtataka kung rumatsada si Pokwang sa ibang network.

Pero taliwas sa espekulasyon, hindi sa  GMA-7 gagawa ng show ang komedyana kundi sa TV5 na muling nagbabagong-bihis ngayon.



Magko-co-host siya ng isang bagong game show na “Fill in the Blanks” kasama si Jose Manalo.

Ito ay iprinudyus ni Mike Tuviera bilang block timer ng APT Entertainment na siya ring nagprodyus ng MMFF Movie na “Mission Unstapabol: The Don Identity.”

Bukod dito, makaka-tandem naman niya si Pauleen Luna at isa pang teen actress sa isang daily morning show na “Rise and Shine.” – (Archie Liao)