Advertisers

Advertisers

Ron Macapagal happy sa bagong acting award

0 391

Advertisers

MASAYA si Ron Macapagal dahil muli siyang nagwagi ng Best Actor award sa Druk International Film Festival sa Bhutan. Ito ay para sa pelikulang Tutop.

Pangalawang international Best Actor award na ito ni Ron. Una ay sa Oniros Film Award sa Italy para sa pelikulang Cuckoo.

Sambit niya, “Masaya po ako, it’s one great honor po na kilalanin at manalo, lalo na sa ganitong mga international filmfest.”



Sa ngayon, si Ron ay nanalo na ng six Best Actor awards mula sa mga local film festival and two Best Actor awards sa international filmfest. Locally, kabilang sa mga pelikulang ito ang Ama Ka Ng Anak Mo, Beki’t Ako, at Cuckoo.

Nagpasalamat din ang Bidaman finalist sa kanyang manager-mentor na si Direk Romm Burlat.

“I have worked with Direk Romm for a long time and I am really thankful sa kanya, because he always gives me challenging roles to further improve my skills in acting. Salamat, direk.”

Pangarap ni Ron na maging bahagi ng isang teleserye at wish niyang makatrabaho sina Joshua Garcia at Janella Salvador.

Nae-excite rin siya kapag nabibigyan ng mga challenging na role, kaya handa siyang magsikap lalo para maabot ang kanyang mga pangarap sa mundo ng showbiz.



Bukod sa pagiging aktor, sumabak na rin siya sa filmmaking, nakatakdang idirek ni Ron ang pelikulang Bata Pa Si Abel na tatampukan ng fellow ROMMantic, na si Rob Torres. Si Ron ang naging AD (Assistant Director) ni Direk Romm sa pelikulang Homecoming (Mammangi) na nanalong Best Short Film sa Eurasia International Film Festival sa Moscow, Russia.

Tatapusin na rin ni Ron very soon ang remaining shooting days ng dalawang full-length movies niyang Bakit Nasa Huli Ang Simula at And I Loved Her na kapwa pinamamahalaan ng multi-awarded actor/director na si Romm Burlat.

Pagkatapos ay isusunod na ng guwapitong actor ang emotionally-charged movie na Hesus na tungkol sa isang manic-depressive person. – (Nonie V. Nicasio)