Advertisers

Advertisers

Rookie jersey ni Jordan, binebenta sa halagang $500-K

0 337

Advertisers

Inaasahang mabebenta sa mahigit $500,000 sa isang auction ang rookie jersey ni Chicago Bulls star Michael Jordan.

Ayon sa Goldin Auctions, ang kulay pula na size 42 Rawlings jersey ay ilang beses na isinuot ni Jordan noong 1984-85 season.

Mayroon siyang ave­rage noon na 28.2 points kada laro kung saan dinala niya ang koponan sa playoffs at nakuha nito ang Roo­kie of the Year award.



Mula kasi ipalabas ang documentary film ni Jordan na “Last Dance” ay tumaas pa lalo ang mga memora­billa ng NBA star.