Advertisers

Advertisers

2 tulak timbog sa P.3m shabu

0 262

Advertisers

ARESTADO ang dalawang tulak ng iligal na droga matapos makumpiskahan ng higit sa P.3 milyon halaga ng shabu sa magkahiwalay na buy-bust operation sa Caloocan at Navotas
Sa report,12:50 ng Miyerkules ng madaling araw nang isagawa ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ang buy-bust operation kontra kay Jomel Pineda alyas Kuya, 42, tricycle driver sa kanyang bahay sa 419 Barrio Sta Rita North, Brgy. 188, Tala.
Aabot sa 15 gramo ng shabu na nasa P102,000 ang halaga, digital weighing scale, at buy bust money ang nakuha sa suspek.
Bandang 11:40 naman ng Martes ng gabi nang masakote ng mga operatiba ng Navotas Police ang tulak umano ng droga na si Ronnie Altirado, 50, ng Grace Park Brgy. 120, Caloocan sa buy-bust operation sa R-10 Brgy. NBBN, Navotas city.
Nakumpiska kay Altirado ang aabot 32 gramo ng shabu na nasa P217,600 ang halaga at P300 buy-bust money.(Beth Samson)