Advertisers

Advertisers

Gyms, internet shops, tutorial/review centers puede na! – IATF

0 284

Advertisers

Pinayagan na ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Disease (IATF-EID) ang limitadong pagbubukas ng mga gyms, internet/computer shops, tutorial/review centers ng 30 capacity sa mga lugar nasa ilalim ng General Community Quarantine simula Agosto 1.
Ito’y bilang bahagi ng inisyatibo ng kasalukuyang administrasyon para sa pagbangon muli ng ekonomiya sa gitna ng COVID-19 pandemic.
Ayon kay DTI Secretary Ramon Lopez, inaprubahan na ng IATF ang kanilang rekomendasyon sa ilang negosyo at establisyimento sa ilalim ng Category 4 ay ibababa sa Category 3 upang makapag-operate muli ng 30 capacity.
Kabilang rito ang mga Testing at Tutorial Centers, Review Centers, Gyms, Fitness Centera, at Sport Facilities, Internet Cafes, Personal Grooming Aesthetic Services at computer at internet shops.
Pinaalalahanan ni Lopez ang mga naturang establisyimento na sumunod sa mga ipinapatupad na health protocols para maiwasan ang mabilis na pagkalat ng virus. (Josephine Patricio/Vanz Fernandez)