Advertisers
Pagkatapos ng 141 na araw na walang laro ay kakaibang NBA ang ating nasaksihan kahapon. Double-header agad ang kanilang inihain sa ESPN Wide World of Sport, Disney World sa Orlando, Florida.
Walang paying fans sa loob ng venue pero may online na mga tagahanga na nakikita ng mga player. May ilan ding aktibong manlalaro na naispatan sa venue gaya nina Damian Lillard at C.J. McCollum ng Portland, DeMar DeRozan ng San Antonio at Kyle Lowry ng San Antonio.
Siyempre mainit pa rin ang dalawang game na na-decide lamang sa mga huling segundo. Hindi nga lang pump-up ang mga basketbolista gaya sa pre-COVID-19 era. Walang may homecourt advantage ngunit may semblance ng home team dahil nasa electronic boards sa loob ng arena ang name ng isang team. Bale Pelicans at Lakers ang umakto sa pasimulang araw. Lumuhod mga atleta sa pagpapatugtog ng pambansang awit. Nakasuot sila ng mga jersey na may print na “Black Lives Matters”. Ito ay pagsuporta ng liga sa anti-racism campaign bunsod ng pagpatay ng isang puting pulis kay George Floyd. Sa halip na pangalan nila nakatatak sa likod ng pangtaas na playing uniform ay mababasa natin ang mga mensahe bukod sa BLM ay “Education Reform”, “Equality”, “Peace”, “Say Their Names”, “I Can’t Breathe”, “Respect Us”, “How Many More” at “Group Economics”. Pinakapopular ang “Equality” na may 76 ang pumili at may nasa kanilang wika pa tulad ng Egalite sa Frenchat Igualdad sa Spanish. 44 naman ang choice ay “BLM” at 22 ang pick ay “Peace”. Mayroon ding mga cager na pinatili ang kanilang apelyido tulad nina LeBron James at Anthony Davis. Ang hindi lang natin gaano maintindihan na may mga coach at opisyal na naka-face mask samantalang ang iba ay walang suot. Ibig sabihin ay hindi requirement at voluntary lamang. Lahat naman ng silya ay may tamang agwat. Mahigpit din ang paglabas-pasok sa buong lugar. Papayagan ka naman lumabas kung may importanteng dapat gawin. Kaso dadaan ka ulit sa testing at quarantine. Sina Tata Selo nanood sa Cignal Cable Channel 262 habang si Pepeng Kirat sa kanyang NBA League Pass tumutok. Kapwa sila nagsabi na napanaw ang kanilang pananabik sa tinaguriang pinakasikat na paliga sa buong mundo. Pero hindi raw ganoon kasaya tulad ng dati. Iba talaga kapag may audience. Daming gimik at pakwela na nakakaaliw sa lahat. Nandiyan yung pagandahan ng sayaw o kaya ang couple kiss kapag na-close-up kayo sa big screen. May premyo rin sa effort.
Kaya ba ng PBA ang ganyang sistema? Hindi ang mariing tugon nina Pepe at Tatang.
***
Balik na kay Coach Aldin Ayo ang buong basketball program ng UST. Tinalaga nila ang assistant coach niya sa seniors na si Jinno Manansala bilang mentor ng Tiger Cubs. Bale pinalitan ng ex-USTe pointguard si Coach Bonnie Garcia na dalawang taon hinawakan ang juniors team pagkawala ni Coach Chris Cantonjos. Sa unang taon lang ni Coach Ayo pinamahalaan ang high school squad at sa ikalawa ay hindi na sila nagkasundo ng kaparian. Ngayong ikatlo at huling taon ng kontrata niya ay balik siya sa poder sa dalawang koponan ng mga taga-Espana. Dapat naman talaga align ang programa. Tingnan natin ang resulta sa bagong season.