Advertisers
INILABAS nitong Sabado ng Philippine National Police (PNP) ang guidelines na susundin ng mga motorcyclist kaugnay sa back-riding.
Ito’y kasabay ng mahigpit na implementasyon ng paglalagay ng barriers sa kanilang motorsiklo simula kahapon (Agosto 1).
Ayon kay PNP Directorate for Operations Police Major General Emmanuel Licup, nakasaad sa naturang guidelines, na kinakailangan na ang lahat ng mga riders at kanilang mga pasahero ay nakasuot ng helmet at facemask sa lahat ng oras.
Nasa 2 katao lamang ang puwedeng isakay sa motorsiklo. Kinakailangan din ng rider at pasahero nito na may maipakitang dokumento sa mga checkpoint bilang katibayan na sila ay kasal o live-in-partner.
Ayon pa sa panuntunan, dapat lamang na ang inilagay na barrier ay aprubado ng National Task Force Against COVID-19.
Ang sinumang lalabag sa naturang guidelines ay pagmumultahin ng P1,000 hanggang P10,000 depende sa bilang ng nagawang paglabag. (Josephine Patricio)