Advertisers
PATAY ang isang babae matapos pagbabarilin ng hindi nakikilalang salarin sa Quezon City nitong Linggo ng madaling araw.
Ayon sa testigong taxi driver, nakapila siya sa northbound lane ng Agham Road sa tapat ng Philippine Children’s Hospital nang mapansin niyang huminto ang isang pulang kotse sa kabilang lane 12:30 ng hatinggabi.
Tila umano may komosyon sa loob ng sasakyan hanggang sa nakarinig ang testigo ng putok ng baril.
Ayon sa testigo, tinulak palabas ng sasakyan mula sa passenger side ang babae saka bumaba ang isang lalaki at muling binaril ang biktima.
Sa report, nakarekober ang pulisya ng 8 basyo ng kalibre .45 na baril sa crme scene
Nakakuha rin ng ID mula sa babae pero kailangan pang iberipika kung ito nga ang biktima.
Hindi naplakahan ang kotseng ginamit sa krimen.(Boy Celario)