Advertisers

Advertisers

DTI tutol sa balik-ECQ ang Metro Manila

0 364

Advertisers

TUTOL si Department of Trade and Industry Secretary Ramon Lopez sa panawagan ng medical community na ibalik sa enhanced community quarantine (ECQ) ang Metro Manila sa loob ng dalawang linggo bilang “time out” at mabigyan sila ng panahon na makapagpahinga.

Sinabi ni Lopez na mahirap ng bumalik sa ECQ dahil kailangan din balansehin ang kalusugan at ekonomiya

Dagdag pa ni Lopez, may iba pa namang paraan para matugunan ang covid crisis at isa na rito ang granular o localized lockdown na ipinapatupad  ng mga local government units.



Sa usapin naman ng mga hinaing ng mga health workers, dapat umano silang tulungan sa lahat ng aspeto subalit hindi ang pagbabalik ECQ sa Metro Manila.

Magugunitang nagkaisang nanawagan ang medical community upang hilingin ang dalawang linggo na “time out” dahil na rin sa patuloy na pagtaas ng kaso ng covid-19 na nagsimulang lumobo mula nang luwagan ang community quarantine. (Jonah Mallari)