Advertisers

Advertisers

Lowry, Bida sa panalo ng Raptors vs Lakers: 107-92

0 299

Advertisers

UMISKOR ng 33 points, 14 rebounds at anim na assists si Kyle Lowry, upang pangu­nahan ang opensiba ng Toronto Raptors sa kanilang 107-92 win kontra Los Angeles Lakers sa NBA restart na ginanap sa Walt Disney World Complex sa Orlando, ­Florida kahapon.
Nag-ambag ng 23 points si OG Anunoby, 15 points at siyam na rebounds mula kay Pascal Siakam para sa Raptors.
Si Fred VanVleet ­naman ay nagtapos na may 13 points at 11 assists.
Samantala, si LeBron James ang siyang ­nanguna para sa ­Lakers bitbit ang kanyang 20 points at 10 boards.
Nag-ambag ng 16 points si Kyle Kuzma habang nakapagtala naman si Anthony Davis ng 14 points sa 2-of-7 shooting.
Nagdagdag ng 12 points si Dion Waiters, habang nagtapos na may 11 si Alex Caruso.
Ito ang ika-11th straight victory ng Toronto laban sa ­Lakers, hindi pa dinaig ni LeBron ang Raptors simula nang lumagda ito sa Los Angeles Lakers.
Ang susunod na makakaharap ng ­Lakers ay ang Utah Jazz sa Lunes ng gabi, habang ang Raptors ay makakasagupa ang Miami Heat.