Advertisers

Advertisers

Janah Zaplan nominado sa 33rd Awit Awards

0 507

Advertisers

NOMINADO si Janah Zaplan sa darating na 33rd Awit Awards. Ang nominasyon ay para sa kategoryang Best Christmas Recording ot the Year para sa kanyang single na Sana Lagi Ay Pasko.

Nagpahayag ng kagalakan ang dalagitang tinaguriang The Millennial Pop Princess sa panibagong achievement na kanyang natamo.

“Actually, it’s my first time to be nominated sa Awit Awards. It’s an honor for me siyempre po, to be nominated. Akala ko nga iyonng una na mahabang list, iyon na iyon. Iyon pala may final list talaga na nominated for that category.



“So, I feel blessed talaga,” sambit ni Janah.

Kasamang nominado rito ni Janah sina Joaquin Valdes, Myke Solomon, Arman Ferrer (My Favorite Time of The Year), Moira Dela Torre (Yakap), Issa Rodriguez (A Christmas Song I Wrote For You), at Cup Of Joe (Alas Dose).

Ang Sana Lagi Ay Pasko ay prodyus nina Roxy A. Liquigan at Victor C. Zaplan. Ito’y komposisyon ni Brian Lotho, para sa Star Music.

Dahil sa COVID-19, ang announcement ng winners ay magaganap sa August 29, 6 p.m.

Samantala, tuluy-tuloy na si Janah sa pag-abot sa pangarap na maging isang singing pilot. Nakatakdang mag-enroll ang talented at magandang dalagita para sa kursong BS Major in Flying.



Bakit niya gustong maging piloto at lumipad?

Sagot ni Janah, “It has been my dream when we started travelling in different places po eh, because exploring and discovering different places, culture and people, as well as sharing these experiences to many people bring happiness to me.”

Aniya pa, “Ang goal ko lang po sa buhay is maabot yung mga pangarap ko, maging pilot, maging artista, mapagbuti ko pa po yung pagiging singer at recording artist ko, at siyempre yung maging proud po yung family ko at mga taong nakapaligid sa akin.”

Ang awiting Himbing ang latest single ni Janah, ito ‘y under Star Music at komposisyon ni Brian Lotho. (Nonie V. Nicasio)