Advertisers

Advertisers

PUBLIC TRANSPORT SUSPENDIDO MULI SA ILALIM NG MECQ

0 283

Advertisers

MULING sinuspinde ng Department of Transportation (DOtr) ang biyahe ng mga pampublikong transportasyon gaya ng traditional jeepney, bus, tren, taxi at TNVS.
Ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque pansamantalang tigil-operasyon ang mga naturang pampublikong sasakyan sa mga lugar nasa ilalim ng Modified Community Quarantine (MECQ) simula ngayong araw (Agosto4) hanggang sa Agosto 18.
“Personal vehicles, cars, e-scooters, bikes are allowed,” ani Roque. Dagdag pa ni Roque tanging shuttle services, P2P transport na priority isakay ang mga health workers ang pinapayagan dito.
Ayon pa kay Roque pinapayagan sa ilalim ng MECQ ang walking, jogging, running at biking na individual outdoor exercises.
Nilinaw ni Roque na magkakaroon ng libreng sakay ang gobyerno para sa mga health workers sa Greater Manila Area kasunod ng pagsailalim nito sa MECQ.
Kaugnay rito, ay nag-abiso kahapon ang MRT 3 at LRT 3 ng pansamantalang tigil-operasyon ng kanilang mga tren simula ngayon araw (Agosto 4) hanggang Agosto 18 o kapag ibinalik sa General Community Quarantine (GCQ) ang NCR.
Una nang inanunsiyo ng Pangulo na balik-MECQ ang NCR, Bulacan, Laguna, Cavite at Rizal bilang pagtugon nito sa kahilingan ng mga health workers na time out. (Josephine Patricio)